Archive of Ang Bayan

Tapuson ang balaod militar ug ang pagpangawkaw sa Mindanao ug sa tibuok nasud
November 21, 2019

Napul-an na kaayo ang katawhan sa Mindanao nga mabuhi ilalum sa pagharing militar ug terorismo sa estado. Sulod sa halos tulo ka tuig, adlaw-adlaw nilang giantus ang mga pagpamatay, pagpangdakop ug pagbilanggo, pagpanghadlok, pagpaniktik ug uban pang mga abusong militar. Gihikawan sila og katungod nga magpadayag sa ilang yangungo o magpakita og pagbatok sa gisagubang […]

Magpakatatag at puspusang lumaban!
November 07, 2019

Sa panahon ng brutal na panunupil, hinihingi sa buong bayan na ibayong magpakatatag, ipunin ang lahat ng tapang at puspusang lumaban. Mahigpit na panghawakan ang mga kahilingan para sa tunay na pagbabago para wakasan ang kaapihan at kahirapan. Walang-lubay ang pag-abuso sa kapangyarihan ng rehimeng Duterte. Ginagamit niya ang militar at pulis at ang absolutong […]

39 kaswalti ng AFP at PNP
November 07, 2019

HINDI BABABA SA 19 ang napatay at 20 ang sugatan sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa gitna ng matitinding operasyong militar nitong Oktubre. Isinagawa ang mga aksyong militar sa Mindoro, Masbate, Samar, Negros at Mt. Province. Sa Occidental […]

Baryo sa Samar, binomba ng militar
November 07, 2019

NAGHULOG NG TATLONG bombang tig-227 kilo ang mga eroplanong FA-50 ng Philippine Air Force sa Barangay Caputoan, Las Navas, Northern Samar noong Oktubre 26, alas-6 ng umaga. Ihinulog ang mga bomba isang kilometro lamang ang layo mula sa sentro ng barangay. Winasak ng mga ito ang mga sakahan ng hindi bababa sa 13 pamilya, gayundin […]

Ang walang humpay na paglaban ng Barangay Ekserya
November 07, 2019

Matagal nang ipinaglalaban ng mga residente sa Ekserya, isang barangay sa Negros, ang kanilang karapatan para sa lupa sa gitna ng matitinding kampanyang panunupil sa isla. Patuloy nilang ipinagtatanggol ang kanilang mga tagumpay, katulong ang sangay ng Partido sa lokalidad at ng milisyang bayan. Isa si Kasamang Dereba sa mga nakasaksi sa pag-usbong ng rebolusyonaryong […]

Panggigipit sa Kamaynilaan
November 07, 2019

ILIGAL NA INARESTO ng mga pulis ang mag-asawang aktibista na sina Cora Agovida at Michael Tan Bartolome sa kanilang bahay sa Paco, Manila noong Oktubre 31, alas-5 ng umaga. Nagmula sa Manila Police District at Criminal Investigation and Detection Group ang mga nang-aresto. Nagtanim ng ebidensyang mga pasabog ang mga pulis upang sampahan ng gawa-gawang […]

Tanim-ebidensya laban sa 57 aktibista
November 07, 2019

Iligal na inaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulis at mga sundalo ng 3rd IB ang 57 aktibista sa Negros noong gabi ng Oktubre 31 at Nobyembre 1. Itinuturing itong pangatlong bugso ng madugo at iligal na Oplan Sauron sa isla. Sa tangkang gawing lehitimo ang operasyon, nagtanim ng mga ebidensyang baril ang mga sundalo […]

Katiwalian sa BOC, laganap
November 07, 2019

MAHIGIT P234 BILYON buwis ang hindi naipasok sa kaban ng bayan noong 2016-2017 dahil sa katiwalian sa Bureau of Customs (BoC). Inilantad ito ni House Deputy Speaker Rep. Rodante Marcoleta sa inihain niyang resolusyon noong Oktubre. Aniya, laganap ang pamemeke sa mga listahan ng BoC para dayain ang kwenta ng buwis na kinakailangang bayaran ng […]

Lider-anakpawis, pinatay
November 07, 2019

PATAY SA PAMAMARIL si Reynaldo Malaborbor, 64, sa tapat ng kanyang bahay sa Katapatan Subdivision, Cabuyao City, Laguna noong Nobyembre 4, alas 9 ng gabi. Si Malaborbor ay myembro ng Pagkakaisa at Ugnayan ng Magsasaka sa Laguna (Pumalag) at Makabayang Koalisyon ng Mamamayan-Timog Katagalugan. Siya ay dating bilanggong pulitikal na inaresto noong Oktubre 5, 2010 […]

Buhay na demokrasya sa pagresolba sa mga tunggalian ng mga tribu
November 07, 2019

Sa kabila ng pag-iral ng pasistang tiraniya, binubuhay ng mamamayan ang demokrasya sa landas ng pakikibaka. Matatagpuan ito sa mga organisasyon ng mamamayan, kanilang mga organo ng kapangyarihang pampulitika at gubyernong bayan, sa loob ng Partido Komunista at ng Bagong Hukbong Bayan. Sa Cordillera, dumadaloy ang demokrasya sa ugnayan ng mga katutubo at Partido Komunista […]