PINARALISA NG BAGONG Hukbong Bayan (BHB) ang mapangwasak na mga operasyon ng dalawang malaking kumpanya sa pagmimina noong Agosto sa mga bayan ng Las Nieves, Agusan del Norte at San Mateo, Rizal. Isang dredger (barkong ginagamit sa pagmimina ng black sand at iba pang mineral sa Agusan River) ang sinunog ng isang yunit ng BHB […]
Sa ilalim ng rehimeng US-Duterte, lalong pinarami ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga itinatayo nitong detatsment ng militar sa Mindanao. Partikular sa rehiyon ng Northeast Mindanao, hindi bababa sa 100 ang mga detatsment ng AFP at CAFGU. Ilan sa mga ito ay ilang dekada nang nakatayo, tulad sa Padiay, Sibagat sa Agusan […]
The Communist Party of the Philippines (CPP) will commemorate its 50th founding anniversary on December 26. In the coming months, let us mount a vibrant and broad campaign to celebrate the victories achieved by the Filipino proletariat and people in their five decades of revolutionary struggles under the guidance of the Party. The Party calls […]
BILANG PAGKUNDENA sa pampulitikang panunupil at atake ng rehimeng Duterte, nagprotesta ang mga progresibong organisasyon sa Mendiola, Maynila noong Agosto 16. Ayon sa kanila, muling binuhay ni Duterte ang mekanismo ng rehimeng Arroyo sa pagsupil ng karapatang-tao. Itinaon ang pagkilos sa paggunita sa unang taon ng pagkakapaslang kay Kian delos Santos sa ilalim ng hungkag […]
Sa Ilocos Sur, nagtipon ang may 60 kinatawan ng mga tribong Bago, Isnag-Yapayao at Tingguian mula sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union. Inilunsad nila ang First Ilocos Indigenous Peoples Convergence and Consultation noong Agosto 9 sa Cabugao, Ilocos Sur. Sa pagtitipon, nagbahagi ng karanasan at kalagayan ang iba’t ibang grupong minorya sa rehiyon. […]
Dalawang magsasaka ang patay at isa ang sugatan nang walang pakundangang inistraping ng mga elemento ng 23rd IB at CAFGU ang kanilang pinagpapahingahang kubo noong Agosto 5, alas-5 ng umaga, sa Purok 4, Barangay Oro, Esperanza sa Agusan del Sur. Napatay sina Juan Precioso at Kent Montilla at nasugatan si Robert Tambilisan habang nakaligtas sa […]
Pinararangalan ng National Democratic Front (NDF)-Panay at ng buong rebolusyonaryong kilusan ang pitong myembro ng komite sa propaganda at edukasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa isla ng Panay. Ang pitong kasama ay brutal na minasaker ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulis noong Agosto 15, hatinggabi, sa Barangay Atabay, San Jose, Antique. […]
Bilang ambag sa paggunita sa nalalapit na ika-50 anibersaryo ng Partido, sisimulan ng Ang Bayan (AB) sa isyung ito ang serye ng mga artikulo tungkol sa mga tampok na karanasan sa pagbubuo ng mga sangay ng Partido sa iba’t ibang larangan ng rebolusyonaryong gawain. Nananawagan ang patnugutan ng AB sa lahat na mag-ambag sa seryeng […]
MATAGUMPAY ANG REYD na isinagawa ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) laban sa Philippine National Police (PNP) Municipal Station sa bayan ng Lapinig sa Northern Samar noong Agosto 10, ala-1:44 ng madaling-araw. Sa inisyal na mga ulat, nakasamsam ng di bababa sa siyam na armas at iba pang gamit ang mga Pulang […]
Gugunitain ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang ika-50 anibersaryo ng pagtatatag nito sa darating na Disyembre 26. Sa mga susunod na buwan, ilunsad natin ang masigla at malawak na kampanya para ipagdiwang ang natamong mga tagumpay ng uring manggagawa at sambayanang Pilipino sa limang dekadang pagsusulong ng mga rebolusyonaryong pakikibaka sa gabay ng Partido. […]