Nagpahayag ng suporta ang Communist Party of India (CPI)-Maoist sa protesta ng mga magsasaka noong Enero 31 laban sa pagtalikod ng gubyernong Modi sa mga pangako nito. Tinawag ang protesta bilang “Vishvasghat Diwas” o “Araw ng Pagtataksil.” Hinikayat ng Komite Sentral ng CPI-Maoist ang mga magsasaka at mamamayan ng bansa na ipagtagumpay ang naturang protesta. […]
Umapela ang 24 Amerikanong mambabatas sa administrasyong Biden na patawan ng sangsyon ang anim na kasalukuyan at nakaraang upisyal sa seguridad ng rehimeng Duterte na may malalalang rekord ng paglabag sa karapatang-tao. Ang sumusunod ang mga upisyal na nais patawan ng sangsyon ng mga mambabatas: 1) Delfin Lorenzana, kalihim ng Department of National Defense 2) Hermogenes […]
Hindi bababa sa 107 ang sibilyan at kasapi ng grupong Houthi ang namatay habang daan-daan ang sugatan sa serye ng walang patumanggang mga air strike ng koalisyong militar na pinangungunahan ng Saudi Arabia sa hilagang Yemen noong Enero 17 at 21. Direktang tinarget ng mga pag-atakeng ito ang matataong mga lugar sa bansa at mga […]
Nagpapatuloy ang mga pagkilos at pagbubuo ng unyon ng mga manggagawa ng Amazon sa US para igiit ang makataong kundisyon sa paggawa at dagdag sahod sa mga iba’t ibang mga pasilidad nito. Ang mga nag-uunyon ay nasa larangan ng e-commerce o pagbebenta sa pamamagitan ng internet at nagtatrabaho sa mga bodega. Pinakahuli rito ang koordinadong […]
Sumiklab noong Enero 2 ang malawakang mga protesta sa Kazakhstan na nilahukan ng puu-puong mamamayan para tutulan ang pagsirit ng langis kasunod ng pagtanggal ni Pres. Kassym-Jomart Tokayev ng kontrol sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG). Maliban sa pagdoble ng presyo ng LPG, natulak ang mamamayang Kazakh na magprotesta para labanan ang laganap at […]
Nagkamit ng mayor na mga tagumpay ang mga manggagawa sa dalawang multinasyunal na korporasyon sa US. Bumalik na sa trabaho ang nagwelgang mahigit 10,000 manggagawa sa John Deere at 1,400 sa Kellogg’s matapos makamit ang hinihinging karagdagang sahod at benepisyo. Bahagi ang mga manggagawa ng Striketober, kilusang welga na sumiklab sa iba’t ibang bahagi ng […]
Mga bakunang malapit nang mapaso ang ipinamimigay ng mga kapitalistang bansa sa atrasadong mga bansa tulad ng Pilipinas. Ito ang nalantad matapos ulanin ng puna ang US, UK at iba pang malalaking kapitalistang bansa sa pagsusubi ng milyun-milyong dosis na nagresulta sa tagibang na distribusyon ng bakuna. Binabatikos din ang pagtanggi ng mga ito na […]
Simula Setyembre ngayong taon, tuluyan nang inungusan ni Elon Musk, may-ari ng kumpanyang Tesla, si Jeff Bezos, may-ari ng Amazon, bilang pinakamayamang indibidwal sa mundo. Noong Oktubre 25, tumaas ang kanyang halaga nang $25.6 bilyon sa loob lamang ng isang araw matapos ibalita ang plano ng kumpanyang Hertz na bumili ng 100,000 sasakyang gawang […]
Umiigting ang brutal at interbensyunistang agresyon ng armadong pwersa ng Turkey sa mga hangganan nito at ng hilagang-silangang Syria (sa rehiyon ng Rojava) na pinangangasiwaan ng Kurdish Democratic Union Party (PYD). Sa nakalipas na dalawang linggo, nagsagawa ang Turkey ng dalawang serye walang patumanggang panganganyon at pambobomba sa prubinsya ng Hasakah kahapon at noong […]
Di bababa sa 35 sibilyan, kabilang ang apat na bata, ang minasaker ng mga sundalo ng Tatmadaw o militar ng Myanmar noong Disyembre 24 sa isang haywey sa bayan ng Hrupso sa Kayah, isang awtonomos na rehiyon na matatagpuan sa Eastern Myanmar. Dalawa sa mga biktima ay istap ng grupong Save The Children na pauwi […]