Archive of Politics

US at Europe, tiba-tiba sa pagbenta ng armas noong 2022
March 14, 2023

Lalupang lumaki ang kita ng US, ang numero unong tagapagmanupaktura ng armas, sa unang taon ng proxy war nito sa Ukraine laban sa Russia. Kasabay na lumaki ang kita ng mga kumpanya ng armas ng kaalyado nitong bansa sa Europe, na nagbuhos din ng mga armas sa Ukraine para patagalin at pasidhiin ang gera doon. […]

Giriang US-China, pinaiigting ng kasunduang EDCA
March 13, 2023

Sisimulan na ng US ang pagkukumpuni sa Cesar Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga sa Marso 20. Bahagi ang airbase na ito ng iniwan ng mga tropang Amerikano noong 1991 matapos ibasura ng Senado ang tratado para palawigin ang paggamit ng US sa mga pasilidad ng Pilipinas. Muli itong ibinabalik sa kontrol ng US sa […]

Palengke sa Baguio City, pinangangambahang sadyang sinunog
March 13, 2023

Pinaiimbestigahan ng grupong Kadamay ang naganap na sunog noong Marso 11 na tumupok sa isang bahagi ng Baguio City Public Market. Sinira nito ang 1,700 stall, kasama ang humigit kumulang ₱24 milyong produkto at ari-arian. “Nakababahala na tuwing may plano ang gubyerno para isapribado ang isang lugar at may pagtutol dito ang mga mamamayan, nasusundan […]

Supermayorya ng pangkating Marcos sa Kongreso, iniratsada ang charter change
March 06, 2023

Iniratsada ng rehimeng Marcos ang pag-apruba ng House of Represenatives sa Resolution of Both Houses No. 6 na nagtutulak ng isang constitutional convention para sa chacha (charter change) o pag-amyenda sa konstitusyong 1987. Naitala ang 301 na botong “Yes”, habang 6 ang “No” at isa ang abstain sa naturang resolusyon kanina. Ang resolusyon ay kapapasa […]

AFP, nagwaldas ng $153 milyon para sa 1,000 drone
March 05, 2023

Kinumprima noong Marso 2 ng maka-militar na website na Max Defense na dumating sa Pilipinas noong 2022 ang nasa 100 Hermes 90 UAV, isang klase ng unmanned aerial vehicle o drone na gawa ng Elbit Systems ng Israel. Ang mga drone na ito ay bahagi ng order ng Armed Forces of the Philippines para sa […]

Ibasura ang Cha-cha ni Marcos, panawagan ng mga demokratikong organisasyon
March 03, 2023

Nakahanda ang mga demokratikong organisasyon na tutulan ang pakanang baguhin ang konstitusyong 1987 na iniraratsada ngayon sa Kongreso. Tinatayang ipapasa na sa Marso 6 sa pangatlo at huling pagdinig ang House Resolution No. 6, na nagtatawag para sa Constitutional Convention para baguhin ang konstitusyon. “Sagot ba sa problema ng bansa ang Cha-cha?” tanong ni Renato […]

Mga mambabatas ng EU, nakipagpulong sa blokeng Makabayan at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao
February 27, 2023

Nakipagdayalogo ang mga mambabatas ng European Union (EU) Subcommittee on Human Rights sa mga mambabatas ng blokeng Makabayan at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao noong Pebrero 23 para pag-usapan ang kalagayan ng karapatang-tao sa bansa. Sa isang pulong sa House of Representatives sa Quezon City, pinag-usapan nila ang gera kontra droga ng dating rehimeng Duterte at […]

Simbahan, dismayado sa pagbabasura ng Sandiganbayan sa kaso ng mga Marcos
February 27, 2023

Tinawag ni Bishop Jose Colin Bagaforo, pinuno ng Caritas Philippines, ang desisyon kamakailan ng Sandiganbayan bilang “nakapanlulumo at nakadidismaya” matapos nitong ibasura ang isang kaso kaugnay sa nakaw na yaman ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr. “Mayor na pagkatalo ito para sa mamamayang Pilipino na ninakawan na ng mas maaliwalas ng kinabukasan at […]

Mamamayan ng daigdig, magbigkis, pigilan at labanan ang lahat ng anyo ng inter-imperyalistang gera!
February 22, 2023 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Kaisa ng mamamayan ng daigdig, tinutuligsa ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan ang nagpapatuloy na inter-imperyalistang gera sa Ukraine sa pangunguna ng US. Kasabay nito, mariin din naming tinutuligsa ang tuluy-tuloy na pang-uudyok ng US ng panibagong larangan ng gera sa Asia Pacific laban sa China. Isang taon na ang nakalilipas mula nang […]

Pagratipika ng RCEP, higit na pahirap sa mamamayang Pilipino!
February 22, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka) |

Sa pagratipika kahapon ng Senado sa RCEP (Regional Comprehensive Economic Partnership), lalong isinubo ng Rehimeng Marcos Jr. sa kagutuman at kahirapan ang mamamayang Pilipino, laluna ang mga magsasaka. Sa kabila ng pagtutol ng maraming sektor sa pagpapaloob ng Pilipinas sa RCEP, itinulak ng rehimen ang ratipikasyon upang umano’y makasabay sa mga lumalagong ekonomiya sa Asya […]