Archive of Kalatas

Kalatas February 2021 | Ilantad at biguin ang mapanlinlang na BDP sa TK
February 28, 2021

Ipinatutupad ngayon ng rehimeng US-Duterte ang pinakabago nitong pakanang pansaywar laban sa mamamayan. Ito ang proyektong Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). At tulad ng mga nauna nitong programang “kontra-insurhensya”, nakatakda rin itong biguin ng mamamayan. Ang pakanang BDP ay tanda ng kabiguan ni Duterte at […]

Kalatas February 2021 | Tugon ni Patnubay de Guia: Ano ang papel ng midya sa panahon ng tiranya at terorismo?
February 28, 2021

Trabaho ang dahilan kaya napadpad si Ronnie Villamor, 50, sa Barangay Matanglad, Milagros, Masbate. Si Villamor ay mamamahayag para sa lokal na tabloid na Dos Kantos Balita, at naroon siya para subaybayan ang sigalot sa lupa na kinasasangkutan ng isang Randy Favis. Naunsyami ang nakatakdang sarbey sa lupa dahil hindi pumayag si Favis. Mula sa […]

Kalatas February 2021 | Rehimeng Duterte, bahag ang buntot sa paghahari-harian ng China sa WPS
February 28, 2021

Kahit sa gitna ng pandemyang COVID-19, nagpapatuloy ang pananalasa at pag-angkin ng China sa West Philippine Sea (WPS). Subalit nananatiling bahag ang buntot ng gubyernong Duterte sa walang-tigil na pagyurak ng China sa pambansang soberanya at patrimonya ng Pilipinas. Bagong batas ng China Paulit-ulit na binabalewala ng China ang desisyon sa Arbitral Tribunal sa ilalim […]

Kalatas February 2021 | Lider-magsasaka, hinuli sa Occidental Mindoro
February 28, 2021

Iligal na inaresto ng magkakasamang sundalo’t pulis si Genalyn “Ate Neneng” Avelino, isang lider-magsasaka sa kanyang bahay sa Rizal, Occidental Mindoro noong Pebrero 23 ng hapon. Hinuli si Ate Neneng sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Regional Trial Court Branch 43 sa Roxas, Oriental Mindoro. Hinaharap niya ang gawa-gawang kasong rebelyon. Kilalang […]

Kalatas February 2021 | Mga komunidad sa Bacoor, dinahas ng mga goons ng ahente ng lupa
February 28, 2021

Muling dumanas ng pandarahas ang mga residente ng Sitio Bagong Silangan, Brgy. Niog 1 at Brgy. Talaba 7, Bacoor City, Cavite noong Enero 28 at 29 mula sa mga goons ni Ana Marie G. Pagtakhan o mas kilala sa pangalang Amy Gawaran. Si Pagtakhan ay ahente ng lupa na malaon nang nagpapalayas sa mga residente […]

Kalatas February 2021 | Pambobomba sa Quezon, nagpalayas ng 26,000 mamamayan
February 28, 2021

Higit 26,000 tao mula sa 22 barangay ng mga bayan ng Catanauan, Mulanay, San Narciso at Buenavista ang sapilitang lumikas dahil sa pambobomba, istraping at mabagsik na operasyong militar ng 85th at 59th IBPA sa Timog Quezon Bondoc Peninsula. Nagsimula ang pambobomba at istraping sa mga nasabing barangay noong Pebrero 5 matapos ang engkwentro sa […]

Kalatas February 2021 | Sapilitang pagpapasuko ng AFP sa Batangas
February 28, 2021

Pinipilit sumuko ng mga pasista ang mga residente ng isang baryo sa Batangas City, Batangas na itinuturo ng mga militar na taguan ng mga NPA. Pinatitipon ng mga sundalo ang 20 tao mula sa baryong ito para magpalinis umano ng pangalan. Idinaos ang pulong sa isang opisina ng munisipyo ng Bolbok noong Enero. Kinunan din […]

Kalatas February 2021 | Tula: Kung Hindi Ako Magrerebolusyon
February 28, 2021

Kung Hindi Ako Magrerebolusyon Trestala Kung hindi ako magrerebolusyon, Ano ang patutunguhan ko? Magbulag-bulagan, Tumawid sa kalsada nang marahan habang iniintindi ang sariling kapakanan at umangat na lamang Habang marami’y lubog sa kumunoy ng kahirapan? Huwag na lamang. Ngunit, paano kung: Tumulong na lang sa ibang paraan? Maaari. Siguro kung may iba pang paraan. Gumana […]

Kalatas | January 2021
January 31, 2021

Download the issue here Pilipino: PDF | PDF (Colored)

Kalatas | December 2020
December 31, 2020

Download the issue here PDF