Archive of Workers

Mga manggagawang tinanggal, nagpiket sa Mandaue City
August 24, 2023

Nagpiket sa upisina ng Cebu Easy General Services Corporation, isang man-power agency, sa Barangay Subangdaku, Mandaue City ang mga manggagawa noong Agosto 22 para igiit ang kanilang karapatan sa trabaho. Tinanggal ang mga manggagawang kinokontrata ng Liwayway Marketing Corporation (LMC), nagmamanupaktura ng OISHI Snack Products, sa pagdadahilang ililipat ang operasyon nito sa bagong planta sa […]

Manggagawa, patatagin ang pagkakaisa, labanan ang pang-aatake ng estado
August 22, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kasama ang laksang mamamayang Pilipino, kinukundena ng NDFP-ST ang tuluy-tuloy na pang-aatake ng estado sa kilusang paggawa. Sa Timog Katagalugan, tuluy-tuloy ang mga kaso ng pagbabanta at intimidasyon sa mga lider-manggagawa at kanilang mga unyon na pinangungunahan ng Task Force-Ugnay ng NTF-ELCAC at mga pwersa ng AFP-PNP. Pinakahuling inulat na biktima ng sarbeylans at panghaharas […]

Diokno has no moral right to declare wage increases are bad to the economy
August 17, 2023 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

As someone who earns close to 200 times more than minimum wage earners, Department of Finance Secretary Benjamin Diokno has absolutely no moral right to tell the Filipino people that ordering substantial wage increases will be harmful to the economy. Yesterday, Mr Diokno declared before a Senate hearing that enacting a law to raise minimum […]

4 na malalaking unyon, nakawelga sa Los Angeles City sa US
August 15, 2023

Apat na malalaking unyon ang nakawelga sa Los Angeles City, California sa US nitong Agosto. Pinakahuling nagtirik ng welga noong Agosto 8 ang unyong kumakatawan sa mga kawani ng syudad na kasalukuyang nakikipagnegosasyon para sa bagong CBA (collective bargaining agreement). Kasapi ng unyon na ito ang mga manggagawa sa sanitasyon, traffic enforcer, gardener, mekaniko, lifeguard, […]

Mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita, muling iginigiit ang kanilang karapatan sa lupa
August 10, 2023

Nagtungo sa Mendiola noong Agosto 8 ang mga manggagawang-bukid sa ilalim ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA), kasama ang Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), para muling igiit ang kanilang karapatan sa Hacienda Luisita. Ang aksyong protesta ay kasabay ng paghahapag ng kanilang mga abugado ng motion for reconsideration para […]

₱750 minimum na sahod sa Calabarzon, iginiit
August 08, 2023

Nagtipon sa upisina ng Regional Wage Board 4-A sa Batangas City kahapon, Agosto 7, ang mga manggagawa mula sa Metal Workers Alliance of the Philippines (MWAP) at Workers’ Initiative for Wage Increase-ST. Lumahok ang mga manggagwa sa ipinatawag na public hearing para sa dagdag-sahod sa rehiyon. Panawagan ng mga manggagawa na gawing ₱750 ang minimum […]

SM City Santa Rosa, pinananagot sa pagkamatay ng 2 manggagawa
August 08, 2023

Nanawagan ang mga manggagawa sa Laguna sa ilalim ng Alyansa ng mga Manggagawa sa Probinsya ng Laguna (AMPL) para papanagutin ang SM City Santa Rosa sa pagkamatay ng dalawang manggagawa habang naglilinis sa septic tank o poso negro ng gusali noong Agosto 6. Nakiramay din ang grupo sa mga pamilya ng mga nasawi. “Marapat lang […]

DoH, kinalampag ng manggagawang pangkalusugan sa mga pribadong ospital
August 05, 2023

Nagprotesta ang mga manggagawang pangkalusugan mula sa mga pribadong ospital sa harap ng upisina ng Department of Health (DOH) sa Maynila noong Agosto 3 at Agosto 4 para singilin si Secretary Dr. Teodoro Herbosa sa matagal nang naantalang Health Emergency Allowance (HEA). Nakiisa ang mga lokal na unyon sa aabot sa 30 ospital sa dalawang […]

Bakanteng mga pusisyon ng manggagawang pangkalusugan ng PGH, dapat punan
July 31, 2023

Sa pang-apat na pagkakataon, naglunsad ng “Friday protest” noong Hulyo 28 ang mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng All UP Workers Union-Manila/Philippine General Hospital para igiit sa maneydsment nito na itigil na ang pagkuha ng serbisyo ng mga pribadong kumpanya para sa ilang aspeto ng gawain sa ospital at sa halip ay punan ang bakanteng […]

Lalamove drivers, nagstrike
July 24, 2023

Tinatayang 7,000 drayber at rider (mga nagdedeliber na nakamotorsiklo o bisikleta) ng Lalamove ang lalahok sa “strike booking” o hindi pagtanggap ng trabahong deliberi ngayong araw, kasabay ng ikalawang State of the Nation Address ni Ferdinand Marcos Jr. Layon nilang iprotesta ang hindi makataong pamamalakad ng kumpanya at igiit ang kanilang panawagan para sa makatarungang […]