Archive of Workers

Unyon ng mga manggagawa sa electrical wiring, nahalal
April 04, 2022

Bumoto ang mga manggawa ng Hypervolt Contractor Corporation kahapon, Abril 3, sa isinagawang certification election para piliin ang unyon na kakatawan sa kanila. Pinili ng mga manggagawa ang Hypervolt Workers Union (HWU) bilang lehitimong unyon na kakatawan sa kanila sa pakikipagnegosasyon sa maneydsment. Ang Hypervolt ay kumpanya na naglalatag ng mga electrical wiring at mga […]

Unang unyon sa loob ng dambuhalang kumpanyag Amazon, naitayo na
April 02, 2022

Naitayo na ang kauna-unahang unyon sa loob ng dambuhalang kumpanyang Amazon sa kabila ng pagmamaniobra ng may-ari ng kumpanyang si Jeff Bezos na pigilan ito. Noong Abril 1, bumoto ang 2,654 pabor sa pag-uunyon, kontra sa 2,131 na hindi pumabor na manggagawa ng Amazon sa Staten Island, New York, na nag-eempleyo ng mahigit 8,000 manggagawa. […]

Ipagdiwang ang ika-53 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! Manggagawa at maralita, aktibong labanan at biguin ang pasismo ng estado, isulong ang matagalang digmang bayan!
March 29, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Kasama ng buong hanay ng Rebolusyonaryong kilusang Manggagawa sa pamamatnubay ng pinakamamahal na Partido Komunista ng Pilipinas – MLM, ang Revolutionary Council of Trade Unions – National Democratic Front – Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) ay mahigpit at taas kamaong nagpupugay sa maningning na ika-53 anibersaryo ng ating pinakamamahal na Bagong Hukbong Bayan (BHB)— ang tunay na […]

Isang taong kawalang-hustisya sa walang-awang pagpaslang kay Dandy Miguel! Singilin at pagbayarin ang rehimeng US-Duterte at berdugong NTF-ELCAC!
March 28, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Kasama ng buong hanay ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan, mariing kinukondena ng Revolutionary Council of Trade Union – National Democratic Front – Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) ang patuloy na kawalan ng hustisya makalipas ang isang taon ng pamamaslang ng rehimeng US-Duterte at berdugong NTF-ELCAC sa lider manggagawang si Dandy “Pang Dandy” Miguel! Naitulak lamang ng […]

Petisyon para itaas ang sahod, inihain sa Central Visayas
March 22, 2022

Naghain ng petisyon kahapon, Marso 21, ang mga manggagawa sa ilalim ng Alyansa sa mga Mamumuong Kontraktwal sa Sugbo (Alsa Kontraktwal-Cebu) sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board in Central Visayas (RTWPB-7) para itaas ang sahod sa rehiyon at suportahan ang pagsusulong ng pambansang minimum na sahod sa bansa. Dagdag na ₱346 sa minimum na […]

Lider-manggagawang si Bong Labog, inendorso ng 1Sambayan
March 19, 2022

Upisyal nang inendorso ng 1Sambayan kahapon, Marso 18, ang kanditura ng lider-manggagawa at kandidato sa pagkasenador ng Koalisyong Makabayan na si Elmer Labog sa kanilang hanay para sa pambansang halalan sa Mayo 2022. Kasabay ang pag-aanunsyo ng isang taong anibersaryo ng 1Sambayan. Una nang inendorso ng grupo ang kapwa kandidato ng Makabayan na si Atty. […]

Buong bansa ang taas-presyo, bakit ang taas-sahod hindi?
March 19, 2022

Tinawag ni Bong Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno at kandidato pagkasenador ng Makabayan, ang National Economic and Development Authority at Department of Finance na “walang puso sa mga manggagawa tulad ni (Rodrigo) Duterte” matapos inayawan ng ahensya ang pagsasabatas ng isang pambansang minimum na sahod. Ito ay matapos sinalungat ng mga upisyal ng ahensya […]

Kagyat na umento sa sahod, iginiit ng mga manggagawa
March 12, 2022

Muling iginiit ng mga manggagawa ang dagdag na sahod sa harap ng pagsirit ng presyo ng langis at mga batayang bilihin. Noong Marso 11, nagsagawa ang mga manggagawa sa ilalim ng Unity for Wage Increase (UWIN) ng konsultasyon sa National Cathedral ng Iglesia Filipina Independiente sa lungsod ng Maynila bago sila tumulak sa upisina na […]

Iligal na inarestong unyonista, pinalaya ng korte
March 09, 2022

Nakalaya na kahapon, Marso 8, ang unyonistang si Dennise Velasco matapos ang isang taon at tatlong buwang pagkakabilanggo. Isa si Velasco sa pitong inaresto sa serye ng mga reyd noong Disyembre 10, 2020 sa Metro Manila na kinilalang Human Rights Day 7. Gumamit ang pulis ng kwestyunableng mga search warrant para pasukin ang tinitirhan ng […]

Petisyon para sa taas-sahod, itinutulak na aksyunan
March 05, 2022

Itinutulak ng grupong Unity for Wage Increase Now! (UWIN) na kaagad aksyunan ang petisyon nito na isinumite noon pang Nobyembre 2019 para sa pagtataas ng sahod sa National Capital Region (NCR) tungong ₱750 kada araw. Hanggang ngayon ay wala pa ring tugon ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng rehiyon sa kabila ng ilang […]