Inilalagay ng magkakasunod na pagsasanay militar at presensya ng libu-libong tropang Amerikano at kanilang mga sandata ang Pilipinas sa peligrong makaladkad sa inter-imperyalistang gera sa pagitan ng US at China. “Sa ngayon na may sigalot ang US at China…mahirap malagay sa gitna ng nag-uumpugang bato lalo pa at ang mamamayan natin ang maaapektuhan,” pahayag ni […]
Mahigit 2,500 katao ang nagprotesta sa Washington D.C. sa US para gunitain ang ika-20 taong anibersaryo ng imperyalistang pananalakay ng US sa Iraq noong Marso 20, 2003. Panawagan nila ang pagtatapos ng mga gera ng US sa loob at labas ng bansa. Ginamit nila ang pagkakataon para ipanawagan na itigil na ng US ang pagpapatindi […]
Superpower discord between the US and China continues to rise and the Philippines is increasingly being drawn into the growing vortex of their conflict. Both powers profess to be friends of the Filipino people, but in fact have complete contempt of Philippine sovereignty. Instead of asserting the country’s independence, the Marcos regime has adopted the […]
Lalupang lumaki ang kita ng US, ang numero unong tagapagmanupaktura ng armas, sa unang taon ng proxy war nito sa Ukraine laban sa Russia. Kasabay na lumaki ang kita ng mga kumpanya ng armas ng kaalyado nitong bansa sa Europe, na nagbuhos din ng mga armas sa Ukraine para patagalin at pasidhiin ang gera doon. […]
Kinumprima noong Marso 2 ng maka-militar na website na Max Defense na dumating sa Pilipinas noong 2022 ang nasa 100 Hermes 90 UAV, isang klase ng unmanned aerial vehicle o drone na gawa ng Elbit Systems ng Israel. Ang mga drone na ito ay bahagi ng order ng Armed Forces of the Philippines para sa […]
Nagprotesta ang libu-libong mamamayan sa Belgium noong Pebrero 25 para ipanawagan ang kagyat na pagwawakas sa gerang US-NATO sa Ukraine na sumiklab isang taon na ang nakalilipas. Nakilahok sa protesta ang International League of Peoples’ Struggle (ILPS)-Belgium, mga alyadong organisasyon nito at ang International Peoples’ Front (IPF). Nagmartsa rin ang mga migranteng Pilipino sa ilalim […]
Sa pamamagitan ng presensya ng tropa, gamit militar at nukleyar na arsenal nito sa Pilipinas, inilalagay ng US ang buong rehiyong Asia sa “bingit ng isang nukleyar na Armageddon.” Ito ang babala ni Prof. Roland Simbulan sa isang webinar na pinamagatang “Countercurrents: Foreign Policies and Anti-imperialist Struggle na inilunsad noong Pebrero 4. Si Simbulan ay […]
Kaisa ng mamamayan ng daigdig, tinutuligsa ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan ang nagpapatuloy na inter-imperyalistang gera sa Ukraine sa pangunguna ng US. Kasabay nito, mariin din naming tinutuligsa ang tuluy-tuloy na pang-uudyok ng US ng panibagong larangan ng gera sa Asia Pacific laban sa China. Isang taon na ang nakalilipas mula nang […]
Binatikos ng mga demokratiko at progresibong grupo ang agresyon at panunutok ng “military-grade” na laser ng Chinese Coast Guard (CCG) sa isang sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea noong Pebrero 6. Kaugnay nito, naghain ng isang resolusyon ang blokeng Makabayan sa House of Representatives para kundenahin ang naturang insidente at tuligsain […]
Ipinanawagan ng International People’s Front ang pagwawakas sa gera ng US at ng alyansang North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Ukraine isang taon mula nang ilunsad ito noong Pebrero 12. “Nananawagan ang International Peoples’ Front sa lahat ng mga mamamayan na magkaisa, mag-organisa at militanteng lumaban para wakasan ang gera ng US-NATO sa Ukraine,” ayon […]