Archive of Workers struggles

Petisyon para itaas ang sahod, inihain sa Central Visayas
March 22, 2022

Naghain ng petisyon kahapon, Marso 21, ang mga manggagawa sa ilalim ng Alyansa sa mga Mamumuong Kontraktwal sa Sugbo (Alsa Kontraktwal-Cebu) sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board in Central Visayas (RTWPB-7) para itaas ang sahod sa rehiyon at suportahan ang pagsusulong ng pambansang minimum na sahod sa bansa. Dagdag na ₱346 sa minimum na […]

Kaso ng mga manggagawa ng Coke sa Cebu, ibinasura
February 27, 2022

Ibinasura noon pang Enero 7 ng isang lokal na korte sa Mandaue City, Cebu ang kasong direct assault laban sa tatlong manggagawa ng Coca-Cola. Inaresto sila habang marahas na binubuwag ang kanilang piket at kampuhan noong Nobyembre 2018. Isinapubliko ang desisyon nito lamang Pebrero. Sa isang pahayag ng abugado ng mga manggagawa na si Atty. […]

Mga manggagawa, sinariwa ang mga karanasan sa ilalim ng batas militar
February 25, 2022

Sa okasyon ng ika-50 taong anibersaryo ng Martial Law, sinariwa ng mga manggagawa ang kalagayan ng kanilang sektor sa ilalim ng batas miltiar. Kasabay nito, kinutya nila ang deklarasyon kamaikailan ni Ferdinand Marcos Jr, kandidatong pagkapresidente, na wawakasan niya ang kontraktwalisasyon. “Hindi kailanman wawakasan ni BBM (“Bongbong” Marcos) ang kontraktwalisasyon,” pahayag ni Jerome Adonis, pinuno […]

Manggagawa sa paggawaan ng damit sa Cebu, nagprotesta
January 21, 2022

Nagpiket ngayong araw, Enero 21, ang mga manggagawa ng Christine International Philippines Inc., pagawaan ng damit, sa harap ng kanilang pabrika sa Lahug, Cebu City para igiit ang pagbabalik sa kanila sa trabaho. Iligal silang sinisante noong Nobyembre 2021. Sa pangunguna ng Nagkahiusang Trabahante sa Christine (NTC), iginiit ng mga manggagawa sa kumpanya at Department […]

Pag-uunyon ng mga manggagawa ng Amazon, umaarangkada sa US
January 14, 2022

Nagpapatuloy ang mga pagkilos at pagbubuo ng unyon ng mga manggagawa ng Amazon sa US para igiit ang makataong kundisyon sa paggawa at dagdag sahod sa mga iba’t ibang mga pasilidad nito. Ang mga nag-uunyon ay nasa larangan ng e-commerce o pagbebenta sa pamamagitan ng internet at nagtatrabaho sa mga bodega. Pinakahuli rito ang koordinadong […]

Elon Musk, pinakayamang parasitiko sa mundo
January 01, 2022

  Simula Setyembre ngayong taon, tuluyan nang inungusan ni Elon Musk, may-ari ng kumpanyang Tesla, si Jeff Bezos, may-ari ng Amazon, bilang pinakamayamang indibidwal sa mundo. Noong Oktubre 25, tumaas ang kanyang halaga nang $25.6 bilyon sa loob lamang ng isang araw matapos ibalita ang plano ng kumpanyang Hertz na bumili ng 100,000 sasakyang gawang […]

Pondo para sa pangakong bonus sa mga kawani ng gubyerno, tiyakin
December 30, 2021

Itinuturing ng mga kawani ng gubyerno na magandang balita ang pinirmahang kautusan ni Rodrigo Duterte noong Disyembre na nagbibigay ng service recognition incentive o SRI sa mga regular, kontraktwal at kaswal na kawani ng gubyerno. Gayunpaman, nananawagan sila sa rehimen na tiyakin na may sapat na pondo ang mga ahensya ng gubyerno para rito. “Manggagaling […]

Isko, binweltahan ng mga manggagawa
October 30, 2021

Pinagsabihan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) si Mayor Isko Moreno ng Maynila, kasama ng iba pang mga kandidato pagkapresidente sa halalang 2022, na makipagtalakayan sa mga manggagagawa kaugnay ng kanilang mga hinaing. Ginawa ng KMU ang hamon matapos minaliit ni Moreno ang epekto ng kontraktwalisasyon sa sektor ng mga manggagawa. Sa pahayag ni Moreno noong […]

Puu-puong libong manggagawa, nagprotesta sa South Korea
October 23, 2021

Tinatayang 80,000 manggagawa mula sa mga sektor ng edukasyon, gubyerno, serbisyo, manupaktura, konstruksyon, transportasyon at iba pang linya ng trabaho ang lumahok sa pambansang protesta ng mga manggagawa sa South Korea sa pamumuno ng Korean Confederation of Trade Unions (KCTU) noong Oktubre 20. Bukod sa mga nagmartsa sa lansangan, kalahating milyon ang nag-walk-out sa kanilang […]

Desisyon na gawing regular ang 50 manggagawa ng Uni-Pak, ipatupad na
October 21, 2021

Nitong linggo, napag-alaman ng mga manggagawa sa Uni-pak na pinagtibay ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Hulyo ang resolusyong unang inaprubahan ng ahensya noong 2019 na nagsasaad na dapat nang gawing regular ang 50 manggagawa ng SLORD Development Corportation, may-ari ng Uni-Pak. Ayon sa Samahang Manggagawa sa Slord Development Corporation (SMSDC), susubaybayan nila […]