Paggunita sa Batas Militar
Sa harap ng pagtatangkang ibaon sa limot at kasinungalingan ang mga krimen ng diktadurang Marcos, mahalagang patuloy na sariwain, ipaalala at balik-balikan ang malagim na mga gunita ng 14-taong paghaharing militar ni Marcos Sr. Partikular sa mga kabataan, dapat masusing pag-aralan ang ating kasaysayan, itakwil ang pambabaluktot, ipangibabaw ang katotohanan at humalaw ng mga aral.
Idineklara ang Batas Militar ng rehimeng US-Marcos noong Setyembre 21, 1972. Higit 70,000 ang ipinakulong, 34,000 ang tinortyur, 3,257 ang pinatay, at mahigit 1,300 ang desaparesido. Marami pa ang hindi naisadokumentong biktima na mayorya’y mga manggagawa at magsasaka sa tangkang sikilin ang kanilang pakikibaka para ipagtanggol ang kanilang interes at kapakanan.
Kabi-kabila ang masaker laluna sa kanayunan kung saan mga pasistang tropa ni Marcos ang naghari sa tabing ng pagsupil sa armadong rebolusyon. Ibinigay ng gubyernong US ang buong suporta kay Marcos na naggarantiya sa patuloy na operasyon ng mga base militar ng US. Katulad ito ng pagsuporta ng US sa iba pang diktador sa ibang mga bansa sa Asia, Latin America at iba pang lugar.
Ang Partido Komunista ng Pilipinas, muling itinatag apat na taon bago nito, ang tanging partidong pulitikal na handang labanan ang batas militar ng rehimen. Ang mga kadre at kasapi nito, pareho sa mga syudad at kanayunan, ay determinadong pamunuan ang mamamayang Pilipino sa kanilang paglaban sa pasitang rehimen. Ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang naging pangunahing armas nito para bigwasan ang diktadura.
Mga Pahayag at Artikulo
Hawiin ang nakalukob na karimlan ng batas militar
ANG BAYAN EDITORYAL | SEPTEMBER 21, 2023
Crisis, corruption, state terrorism, puppetry mark 51st anniversary of martial law declaration
MARCO VALBUENA, CPP CHIEF INFORMATION OFFICER | SEPTEMBER 21, 2023
Puksain ang mga halimaw na iniluwal ng batas militar
ANG BAYAN EDITORYAL | SEPTEMBER 21, 2022
Recall the people’s epic resistance to martial law
COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES | SEPTEMBER 1, 2022
Sa panahon ng diktadura, naitala ng mga rebolusyonaryong pahayagan at ng binansagang “mosquito press” (ang mga dyaryo’t dyornal na hindi kontrolado ng mga kroni ni Marcos) ang mahigit 900 masaker sa buong bansa. Ilan sa mga ito ang Masaker sa Sag-od, Ang Masaker sa Tulay ng Bacong River sa Culasi, Ang Madugong Huwebes sa Escalante City, Isang Madugong Linggo ng Hunyo sa Daet, Masaker sa San Rafael, Bulacan: Ang mga Bulaklak ng Inang Bayan, at Ang Masaker sa Guinayangan, Quezon.
Basahin ang mga artikulo dito ➜
Patuloy na nakapamamayagpag ang pamilyang Marcos sa pamamagitan ng malawakang pandaraya, panggigipit sa oposisyon, pandarahas sa mga pwersang pambansa-demokratiko at malawakang pambabaluktot sa kasaysayan. Kaugnay nito, inilabas ang gabay sa pagtalakay na 5 pambabaluktot ng mga Marcos at AFP sa kasaysayan noon at ngayon bilang bahagi ng mga pagsisikap na labanan ang gayong mga pambabaluktot. Ang mga ito ay mahahalaga pero ilan lamang sa daan-daang kasinungalingang ipinalalaganap ng mga Marcos para baliktarin ang kasaysayan.
Basahin: Pilipino | Bisaya | Hiligaynon
Mga Himig ng paglaban ng Bayan sa panahon ng Martial Law at pasismo
Download Ang songbook na Makibaka! Huwag Matakot! ay naglalaman ng mga awit na iniluwal ng maalab na pakikibaka laban sa rehimen at diktadurang US-Marcos at bigyang inpirasyon ang bagong henerasyon na patuloy na makibaka sa harap ng sumisidhing pasismo at pagkabulok ng lipunang Pilipino. Napapanahong balikan ang mga himig ng paglaban sa pasismo at diktadura ngayong nakapanumbalik sa kapangyarihan ang pamilyang Marcos.
Karamihan sa mga himig na ito ay tinipon mula sa iba’t ibang nailathala nang koleksyon ng mga rebolusyonaryong awit at himig ng pakikibaka. Ang koleksyon ng Makibaka! Huwag Matakot! ay dakilang pamana ng henerasyon ng mga musikero, makata, aktibistang pangkultura at mga rebolusyonaryong namulat at nakibaka sa gitna ng lagim ng diktadurang US-Marcos.
Paglaban sa Batas Militar sa mga pahina ng Ang Bayan
Ang Paglaban sa Batas Militar sa mga Pahina ng Ang Bayan (Resistance to Martial Law in the Pages of Ang Bayan) ay isang 400-pahinang antolohiya ng susing mga editoryal at artikulong inilathala sa Ang Bayan mula Setyembre 1972 hanggang Pebrero 1986, noong panahon ng paghahari ng batas militar sa ilalim ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.
Isinulat ni Prop. Jose Ma. Sison, tagapangulong tagapagtatag ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas na nagsilbi ring punong patnugot ng Ang Bayan mula 1969 hanggang 1976, ang paunang salita ng libro.
Bisitahin ang website dito ➜
Ang pagbabawal sa lahat ng anyo ng organisasyon at pagkakait sa kalayaan sa pamamahayag ang mga unang hakbang ni Ferdinand Marcos Sr. nang ipataw niya ang batas militar at itatag ang kanyang paghaharing diktadura.
Sa kabila ng hawak niyang kapangyarihan, nabigo noon ang diktador na buwagin ang Partido Komunista ng Pilipinas at ipahinto ang paglabas ng Ang Bayan, organong pambalita ng Komite Sentral nito. Sa maraming taon ng paghahari ng pasistang kadiliman, ang pahayagang Ang Bayan ang nagsilbing daluyan ng impormasyon na naglantad sa kabuktutan ng diktadurang US-Marcos, ng mga pagsusuri at panawagang nagbigay-tanglaw sa landas ng paglaban, at ng mga balita ng tagumpay ng sambayanang napukaw at nagbangon.
Nilalaman ng arkibo ang mga isyu ng Ang Bayan sa panahon ng 14-taong diktadura.
Bisitahin ang website dito ➜
Sina Tatay Besting at Tatay Billy ay kabilang sa unang mga Pulang mandirigma sa Cagayan Valley.
Download
Siya si Nanay Paning. Ang kanyang asawa, kasama ang iba pang mga magsasaka, ay inaresto noong 1983, kasagsagan ng batas militar.
Download
Biktima si Nanay Lorena ng pang-aabusong militar noong panahon ng diktadura.