Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Kahapon ang Karahasan, ang Pagtutuos Kinabukasan
August 30, 2021 |

Alay para sa mga biktimang sina Jaymar Palero at Marlon Naperi. Hustisya para sa lahat ng biktima ng pamamaslang ng estado!

Pagpupugay sa lahat ng rebolusyonaryong sapilitang winala ng teroristang estado
August 30, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Hindi maipaliwanag ang sakit ng isang nawalan. Walang bangkay na magpapatunay na wala na ang kanilang mahal sa buhay. Walang puntod na palatandaang siya’y ilinibing. Walang katiyakang siya’y babalik pa o kung hindi na ba makapipiling kailanman. Ito ang hindi masukat na sakit na araw-araw dinaranas ng mga asawa, magulang, anak, kapatid ng mga desaparecidos.

Parangal para kay Kerima “Ka Akira,Kyla” Tariman
August 30, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Sur (Eduardo Olbara Command) | NPA-East Camarines Sur (Tomas Pilapil Command) |

Mapulang Saludo ang nais ipaabot ng Tomas Pilapil Command sa kabayanihan ni Kasamang Kyla! Ganyundin, ipinararating namin ang aming lubos na pakikiramay sa kanyang pamilya’t mga kaibigan.

Mataas na pagpupugay kay Ka Kyla!
August 30, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Bicol |

Sa gitna ng aming pagdadalamhati sa pagpanaw ni Kerima Tariman o Ka Kyla para sa masang kanyang nakasama’t pinagsilbihan sa Kabikulan, iginagawad ng PKM-Bikol ang mataas na pagkilala sa kanyang mahalagang konstribusyon sa pagpapalakas ng kilusang magsasaka sa rehiyon, partikular sa prubinsya ng Camarines Sur.

Hinggil sa pagdalaw ni Badoy sa Bikol: NTF-ELCAC, makinarya ng pasismo at pyesa sa tangkang pananatili ng tiraniyang Duterte
August 30, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Panahon na naman ng eleksyon. Naglabasan na sa kanilang mga lungga ang mga burukrata kapitalistang natutulog sa kangkungan para magpaulan ng mga pangako at mabubulaklak na salita. Nangunguna sa kanilang lahat ang pangkating Duterte – mula sa pagpapalipana ng libu-libong troll farms sa social media hanggang sa paggamit sa lahat ng mga ahensya ng sibilyang burukrasya para ilako ang diktador. Sa rehiyon, sunud-sunod na naman ang pagdalaw at pagpaparamdam ng mga alagad ni Duterte gaya nina NSA Adviser Hermogenes Esperon, DOTr Sec. Arthur Tugade, PNP Chief Eleazar at, ngayon naman, si NTF-ELCAC Spokesperson Lorraine Badoy. Iisa ang kanilang layunin: tangkaing baguhin ang pampublikong upinyon sa kontramamamayang gera ni Duterte, bilhin ang katapatan ng kanilang mga kasapakat na pulitiko at ipagpilitan ang tiranikong paghahari para sa susunod na halalan.