Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Mga sundalo ng 20th IB, inisnayp ng BHB-RUC
Inisnayp ng mga Pulang mandirigma mula sa Rodante Urtal Command (RUC) ang mga elemento ng 20th Infantry Battalion na nag-ooperasyon sa Barangay Epaw, Las Navas, Northern Samar noong Agosto 17. Isang sundalo ang napatay at napilitang umalis ang mga tropa ng militar sa erya noong Agosto 19. Pinakatan naman ng 20th IB ang magkakatabing baryo […]
Laban ng mga manggagawang pangkalusugan, laban ng buong mamamayan!
Nakikiisa at taas kamaong sumusuporta ang Revolutionary Council of Trade Union (RCTU-NDF-ST) sa mga manggagawang pangkalusugan sa mga pribado at pampublikong pagamutan sa punong lunsod at iba pang panig ng bansa sa kanilang isinasagawang serye ng mga pagkilos.
Ahente sa paniktik ng 87th IB, pinarusahan ng BHB-Northern Samar
Pinarusahan ng Bagong Hukbong Bayan-Rodante Urtal Command ang kumpirmadong aset at impormer ng 87th Infantry Battalion na si Elok Padrikis (alyas Longhair, Yonilo, Arnel), 34, noong Agosto 26 sa Barangay San Isidro, Las Navas, Northern Samar. Inaresto ng BHB-RUC si Padrikis noong Agosto 23 sa Kilometro 3 ng naturang barangay habang galing sa pag-uulat sa […]
Sugpuin ang bayrus na si Duterte! Makiisa sa laban ng mga manggagawang pangkalusugan
Nakikiisa ang NDFP-ST sa kilos-protesta ng mga manggagawang pangkalusugan ngayong Setyembre 1 para ipanawagan ang kanilang karapatan sa karampatang benepisyo at sapat na proteksyon sa kasagsagan ng pagkalat ng nakamamatay na Covid-19. Makatarungan ang iginigiit ng mga manggagawang pangkalusugan para sa kanilang Covid-19 Special Risk Allowance (SRA), hazard pay at benepisyo sa pagkain, akomodasyon at […]
Kampo ng sundalo, itatayo sa harap ng eskwelahan
Sa panahon ng lumalalang krisis pangkalusugan sa bansa, walang patumanggang itinatayo ng 85th IB, 59th IB at 201st Brigade ang kanilang mga kampo militar sa buong lalawigan. Kahapon, napaulat na nagsisimula nang itayo ang mga kubo sa kampo militar sa Barangay Cagacag, Lopez, Quezon. Ang pagtatayo ng kampo militar ay sa bisa ng pagsang-ayon mismo […]