Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Lupang sakahan sa Masbate, inagaw sa ngalan ng ekoturismo
Mahigit 21,000 residente ang mapalalayas sa kanilang mga sakahan at pangisdaan dulot ng proyektong Masbate International Tourism Enterprise and Special Economic Zone ng Empark Land Development Inc. Saklaw ng proyekto ang mahigit 1,854 ektaryang lupaing agrikultural sa pitong barangay sa tabing-dagat ng bayan ng Dimasalang at apat sa katabing Palanas. Liban dito, dahil deklaradong mga […]
Taas-presyo ng abono, dagdag pahirap sa magsasaka
Iniulat ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) noong Agosto 12 na tumaas ang presyo ng abono nang ₱200-₱400/bag sa nakaraang dalawang buwan. Sa datos ng Department of Agriculture (DA), ang presyo ng prilled urea ay ₱1,415.99 kada bag, ₱1,393.32 sa granular urea, ₱778.79 sa ammosul at ₱1,268.19 sa complete. Halos doble ang mga ito kung […]
Gawa-gawang mga kaso laban sa 9 na aktibista, ibinasura
Magkakasunod na ibinasura ngayong buwan ng dalawang rehiyunal na korte at mga prosekyutor ang gawa-gawang kasong isinampa laban sa pitong aktibista sa Metro Manila, Albay at General Santos City, at dalawang istap ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Unang ibinasura noong Agosto 4 ng Legazpi Regional Trial Court sa Albay ang kasong gunrunning […]
Lider-Mangyan, pinaslang ng militar
Tatlong magsasaka ang pinatay at pito ang inaresto ng mga armadong ahente ng estado sa nakaraang mga linggo. Sa Occidental Mindoro, pinaslang ng 203rd IB ang dating lider-katutubong si Baduy de la Cruz sa Sityo Cawit, Barangay Gapasan noong Hulyo 29. Dati na siyang minamanmanan ng militar at pilit na “pinasusurender.” Sa Northern Samar, pinaslang […]
Ilusyon ang 11.8% paglago ng GDP
Talbog lamang mula sa sumadsad na ekonomya ang naitalang 11.8% paglago ng gross domestic product (GDP) ng Pilipinas para sa ikalawang kwarto ng taon. Hinugot ang numero mula sa 17% pagbagsak ng GDP sa parehong kwarto noong nakaraang taon, kaya nagmukha itong napalaki. Kung ikukumpara sa nakaraang mga kwarto, nasa 0.7% lamang ang paglago ng […]