Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

85th at 59th IBPA: Ang tunay na persona non grata sa Quezon
August 21, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Pahiyang-pahiya ang 85th at 59th IBPA na mga persona non grata sa komunidad ng mga magsasaka sa Quezon. Ilang ulit nang pinalayas ng mga residente ng Lopez at Macalelon ang mga pasistang tropa na nagkakampo pati ang mga nagbabalak pa lang magkampo sa kanilang barangay. Wala mang papel na nagdedeklara sa mga sundalo na persona […]

Maghapong aerial strike at pang-aatakeng militar sa Samar, masahol na mukha ng terorismo ng estado
August 20, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ang naturang operasyon ay walang ipinag-iba sa pinsala at panganib sa buhay at komunidad ng mamamayan ng Caramoan noong walang patumangga ring maghulog ng bomba at magpaputok ng mga baril ang mga pwersa ng 83rd IBPA, PAF TOG 5 at Joint Task Force Bicolandia sa Sityo Gogon, Brgy. Lidong, Caramoan noong Agosto 13, 2019. Lampas 230 pamilya mula sa Caramoan at Garchitorena ang sapilitang lumikas at napinsalaan ng kabuhayan.

Hindi dapat namamalimos ng ayuda ang mamamayan! Ibagsak ang papet at pahirap na rehimeng US-Duterte!
August 20, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ginawa ni Duterte na lipunan ng mga pulubi ang bansa. Dahil sa patuloy niyang pagtataguyod sa malakolonyal at malapyudal na kaayusan, bago pa ang pandemya ay bagsak na ang pambansang ekonomya, nalumpo ang lokal na produksyon, nalusaw ang mga kabuhayan at nakalugmok ang masa sa tagos-sa-butong kagutuman.

Si Duterte at ang kanyang mga alipures ang pabrika ng pekeng balita at disimpormasyon
August 20, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Walang pinipiling panahon ang panloloko at panlilito ng mga payaso ni Duterte. Sa harap ng panibago na namang mga lockdown na lalong gumugutom at nagpapahirap sa masa, walang kurap-matang ipinangalandakan ni DILG Sec. Hermogenes Esperon na sapat ang tulong na ipinamamahagi ng gubyerno.

Imbestigahan ang mga pamamaslang at bigyang hustisya ang mga biktima ng karahasan at terorismo ng estado sa Bikol
August 20, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Hinahamon ng NDF-Bikol ang mga kinatawan ng kongreso at senado na kagyat na bigyan-pansin at imbestigahan ang humahabang listahan ng pamamaslang at lumalalang mga kaso ng terorismo sa rehiyon na kinasasangkutan ng mga elemento ng PNP-Region V sa ilalim ng programa nitong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO). Umabot na sa 26 sibilyan ang napaslang sa SACLEO mula 2020 hanggang Agosto 2021.