Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pampulitikang tokhang sa pay-out ng 4Ps sa Mindoro, panibagong krimen ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA
August 19, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Mariing kinukondena ng LDGC-NPA-Mindoro at ng buong rebolusyonaryong kilusan sa isla ang dalawang insidente ng pampulitikang tokhang sa mga benepisyaryo ng 4Ps at GIDA na naganap sa panahon ng pay-out ng nasabing mga programa. Pinaslang si Salvador “Badoy” Dela Cruz noong Hulyo 29, alas-2 ng hapon sa So. Kawit, Brgy. Poblacion, Magsaysay, Occidental Mindoro ng […]

Pagpupugay kay Kasamang Parts Bagani: Pulang Artista ng Sambayanan at Mandirigma
August 18, 2021 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Si Ka Parts ay isang mahusay na mandirigma ng BHB at rebolusyonaryong manggagawang pangkultura, isang pintor at dibuhista. Habang nakatuon sa armadong pakikibaka, aktibo rin siyang lumahok sa larangan ng rebolusyong pangkultura. Aniya, pinili niya ang pangalang “Parts” na pagpapaiksi ng Pulang Artista ng Sambayanan.

"Ang halimbawa ay 'di mamamatay!"
August 18, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Southern Tagalog (Balangay Racquel Aumentado) | Balangay Deborah Stoney |

Taos pusong nakikiramay ang ipinapaabot ng Artista at Manunulat ng Sambayanan (ARMAS) Balangay Deborah Stoney sa mga naiwanan ng kamakailang pinatay na si Ka Parts Bagani – rebolusyonaryong artista at pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Si Ka Parts ay pinaslang noong Lunes, ika-16 ng Agosto, sa isang mala-EJK na pagpatay ng mersenaryong 5th […]

Si Duterte ang unang dapat mapatalsik sa pwesto dahil sa kainutilan, kapalpakan at kriminal na kapabayaan ng Department of Health!
August 17, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nagpupuyos sa galit ang damdamin ng taumbayan sa inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA), isang independenteng Komisyon sa ilalim ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, kaugnay sa mga nakita nilang kakulangan, problema sa pangangasiwa, paggamit at paggasta ng Department of Health (DOH) sa mahigit sa P67.32 Bilyong pondong inilaan sa ahensya noong 2020 kaugnay […]

Pagpupugay sa aktibong depensa ng LdGC-NPA Mindoro: Apat na patay at dalawang sugatan sa AFP-PNP!
August 16, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Pulang saludo sa mga Pulang mandirigma ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-NPA Mindoro na aktibong nagdepensa laban sa atake ng nag-ooperasyong 4th IBPA at RMFB 4-B sa Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Agosto 4, bandang alas dos ng hapon. Binigo ng NPA Mindoro ang atake ng kaaway at mahusay na nakapanlaban. Tangan ang opensibang […]