Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pag-asa ng bayan, Kabataan! Lakas, talas at kapangahasan, gawing makabuluhan, baguhin ang lipunan!
August 12, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Kabataang Makabayan-Bicol |

Ngayong buwan ng Pambansang Araw ng Kabataan, taas-kamaong nagpupugay ang Kabataang Makabayan – KM Bikol sa lahat ng kabataang Pilipino nangangahas lumaban at naninindigan para sa kapakanan ng sambayanan. Sa kasaysayan ng pakikibaka ng mamamayang Pilipino, malaki ang ambag ng kabataan sa pagsusulong ng pagbabago at pagtatagumpay ng mga rebolusyon.

Isulong nang buong giting ang laban para sa pambansang paglaya, patuloy na irespeto at itaguyod ang internasyunal na makataong batas
August 12, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Malugod na nakikiisa ang NDF-Bikol sa paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Internasyunal na Makataong Batas ngayong Agosto 12. Bilang isang entidad na may pantay na pampulitikang katayuan sa GRP, may sariling teritoryong saklaw, may pinaiiral na mga batas at may sariling hukbo, kinatawan ng CPP ang NDFP pagpirma sa nasabing batas bilang tagapagtaguyod ng Protocol I at II ng Geneva Conventions

Parusa sa tropa ng 12th IB, paggawad ng hustisya para sa mga biktima ng masaker at walang humpay na pasistang panunupil ng militar at kapulisan
August 12, 2021 | New People's Army | Panay Regional Operational Command (Coronacion "Waling-waling" Chiva Command) | Julio Montana | Spokesperson |

Pinarusahan ng isang yunit ng NPA sa ilalim ng Mt Baloy Command ang isang tropa ng 12th IBPA na sangkot sa masaker at maramihang pang-aaresto at pagkulong sa mga magsasakang Tumandok noong madaling araw ng Disyembre 30, 2020.

Pekeng Engkwentro sa San Fernando Camarines Sur
August 10, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Sur (Eduardo Olbara Command) |

Matapos ang SONA ni Duterte nitong nakaraang buwan at kasunod ng nalalapit nitong pagtatapos ng kanyang termino, sunud-sunod ang pekeng engkwentrong hinahabi ng mga yunit ng sundalong AFP-PNP-CAFGU partikular sa Bikol. Kahapon, August 9, nagpalabas muli ng pekeng balita ang sundalong AFP partikular sa Camarines Sur. Nagkaroon diumano ng engkwentro sa pagitan nila at ng […]

Pakikiisa sa masang minorya sa Pilipinas sa Pandaigdigang araw ng mga Katutubo
August 09, 2021 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Nakikiisa ang Partido sa masang Igorot ng Cordillera, mga Agta, Aeta, Ata, Dumagat, Manibi at iba pang etnikong grupo sa buong kahabaan ng Sierra Madre, mga Mangyan ng Mindoro, mga Tumandok at Ati ng Panay, mga tribong Lumad at mamamayang Moro sa buong kalawakan ng Mindanao at iba pang grupong minorya sa buong bansa sa […]