Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Duterte, tuta ng kano! Muling pinagtibay na VFA, labanan
August 12, 2021 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Matapos ang kanyang pulong kay US Defense Secretary Lloyd Austin noong Hulyo 29, pinatunayan ni Duterte ang pagiging tuta ng imperyalismong US sa pagtitibay ng bagong Visiting Forces Agreement (VFA) at pagbawi sa bantang abrogasyon nito. Ang VFA ay isa sa mga di-pantay na tratadong militar sa pagitan ng US at Pilipinas. Isang kasunduan ito […]

Tuloy ang pakikibaka ng mamamayan sa ilalim ng bagong pasistang hepe ng SOLCOM
August 12, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Tulad ng nagretiro at hambog na hepe ng SOLCOM na si Lt. Gen Antonio Parlade Jr., tiyak na mabibigo si MGen. Bartolome Bacarro na wasakin ang rebolusyonaryong kilusan sa Timog Luzon. Ipagpapatuloy lamang nito ang madugong rekord ni Parlade. Bago maitalagang bagong hepe ng SOLCOM, naging superintendent si Bacarro ng Philip-pine Military Academy (PMA), ang […]

Magiting na lumaban para sa karapatan sa panirikan at kabuhayan!
August 12, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Taas-kamaong pinagpupugayan ng rebolusyonaryong kilusan sa TK ang mga maralitang komunidad sa rehiyon sa magiting nilang paglaban sa walang habas na pang-aatake ng rehimeng Duterte sa kanilang karapatan sa panirikan at kabuhayan. Ipinakita ng mamamayan ng TK ang kapangyarihan ng sama-samang pagkilos sa pagbigo at pakikihamok sa mga banta ng demolisyon na layuning palayasin at […]

Espiya ng AFP sa Sorsogon, pinarusahan
August 12, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Isinakatuparan ng mga mandirigma ng NPA ang sentensyang kamatayan na inihatol ng Probinsyal na Hukumang Bayan ng Sorsogon kay Jonatahan Escolano alyas Marvin, 37, nitong Agosto 10 sa Barangay Sangat, Gubat. Iniutos ng rebolusyong hukuman ang pagpaparusa sa kanya sa kasong pagtataksil at pang-eespiya sa rebolusyonaryong kilusan. Si Escolano ay dating kasapi ng NPA na […]

Kundenahin ang walang-pakundangang pagyurak sa soberanya ng Pilipinas at ang kakambal nitong pagpapayaman at konsolidasyon ng kapangyarihan ni Duterte
August 12, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Cagayan Valley | NDF-Cagayan | Celia Corpuz | Spokesperson |

Habang nagtatagisan sa lakas-militar at ekonomiya ang mga dambuhalang imperyalista, partikular ang Estados Unidos at Tsina, walang-pakundangan namang nasasagasaan ang pambansang soberanya ng Pilipinas. Upang pasahulin pa, interesado lamang si Rodrigo Duterte, bilang kasalukuyang hepe ng burukrata kapitalismo ng lipunang Pilipino, sa kung anong pansariling benepisyo ang makukuha nito mula sa pamamangka sa naturang dalawang […]