Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Iligal na pag-aresto ng 76th IB sa apat na magsasaka sa Brgy. Tuban, Sablayan, paglabag sa karapatang-tao!
August 15, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Mariing kinukondena ng NDFP-Mindoro ang ginawang iligal na pag-aresto ng 76th IB sa apat na magsasaka ilang araw pagkatapos ng labanan sa pagitan ng NPA at ng 203rd Bde sa Brgy. Tuban, Sablayan, Occidental Mindoro. Biktima ng iligal na pag-aresto at iligal na pagkulong sina Miguelo Domingo Manguera, Fe Serna Marinas, Sherlito Nepumuceno Casidsid at […]

Isa pang kampo militar na itatayo, tinutulan ng taumbaryo
August 14, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Makailang beses na tinutulan at pinalayas ng mamamayan ng Brgy. San Francisco-B, Lopez, Quezon noong Agosto 7 ang mga sundalong magtatayo ng kanilang kampo sa naturang barangay. Ayon sa nakuhang ulat, pinangunahan mismo ng Kagawad at mga Tanod ng barangay ang pagtutol sa pagtatayo ng kampo ng mga sundalo. Dagdag pa, mula nang mabalitaan ng […]

DAGLI | Bakit mabibigo ang AFP na gapiin ang BHB sa NCMR?
August 13, 2021 |
Mga yunit ng 62nd IB, nanghahalihaw sa mga barangay ng Moises Padilla at Guihulngan City
August 13, 2021 | New People's Army | Negros Island Regional Operational Command (Apolinario Gatmaitan Command) | NPA-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) |

Mahigpit na kinokondena ito ng Leonardo Panaligan Command-New People’s Army sapagkat nagdulot lamang ito ng matinding takot sa mga ultimong mga sibilyan at magsasaka sa kanayunan katulad ng nangyari sa pagyurak sa karapatang pantao ng mga militar sa mamamayan ng Brgy. Santol, Binalbagan, Negros Occidental at Oplan Sauron/ SEMPO 1 at 2.

Makibaka sa harap ng nagbabadyang pagsambulat ng mas malalang krisis
August 13, 2021 | Communist Party of the Philippines |

Ang malawak na masang Pilipino na pinahirapan ni Duterte ay mistulang tuyong dayami na naghihintay ng diklap para maging makapangyarihang apoy na tatapos sa kanilang pagdurusa sa ilalim ng pahirap at palpak na rehimen. Ang lumalalim na desperasyon ng mamamayan–para sa pagkain, ayuda at bakuna–ay dapat tipunin at itransporma sa isang pwersa para sa paglaban, habang itinataas ang kanilang pambansa-demokratikong kamulatan. Dapat gabayan ang bayan sa landas ng pagsasama-sama, hindi ng pagkakanya-kanya, sa landas ng pakikibaka, hindi ng pagmamaka-awa.