Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
BDP, proyekto para sa pangungurakot at pasismo ng NTF-ELCAC
Taliwas sa ipinagmamalaki ng NTF-ELCAC at rehimeng US-Duterte, hindi kaunlaran ang hatid ng huwad na Barangay Development Program. Palamuti lang ang P16.4 bilyong programa para sa idineklara nilang “cleared barangays” na diumano’y nalinis na sa presensya ng CPP-NPA. Ipinipresenta ng NTF-ELCAC ang BDP bilang maningning na solusyon upang mawala ang suporta ng masang magsasaka sa […]
Panibagong ECQ, Panibagong Pahirap sa Bayan!
Sa ikatlong pagkakataon, ipaiilalim ang Metro-Manila, na mayroong 14 milyong populasyon, sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang Agosto 20, 2021. Siguradong susuungin na naman ng taumbayan ang panibagong dagdag na pahirap, gutom at paniniil sa kanilang mga demokratikong karapatan sa ilalim ng panibagong mahigpit na lockdown na ipatutupad ng pasistang rehimeng US-Duterte. […]
Paalingawngawin ang panawagan nina Jomar at Marlon: DUTERTE, IBAGSAK!
Ipagpalagay ang isang mundong nakalukob ang kadiliman, kung saan ang lahat ng espasyo ay kontrolado at walang ibang kulay na maaaring umiral. Maaaring lahat ay makinis ngunit patay at pare-pareho lamang ang mga hugis. Ang malikhaing pamamahayag ay limitado.
Nanlaban sa tiraniya ng rehimeng US-Duterte ang libu-libong ekstrahudisyal na pinaslang
Palpak at hindi na makatatakas pa ang AFP-PNP at rehimeng US-Duterte sa kanilang pananagutan sa pagpaslang sa sibilyang sina Jemar Palero at Marlon Naperi. Angkinin man nila ang lahat ng rekurso sa propaganda, punuin ang mga balita ng kanilang paninira, baluktutin-baligtarin-dagdagan pa ang naratibo- hindi nila malilinlang at mabubulag ang mamamayan, higit ang pamilya’t kaanak ng mga biktima.
Ipagpatuloy ang laban nina Jemar at Marlon! Tumangan ng armas, lumahok sa digmang bayan!
Pinakamataas na pagpupugay ang ipinapaabot ng Romulo Jallores Command-BHB Bikol at buong rebolusyonaryong kilusan kina Jemar Palero at Marlon Naperi, mga tunay na artista ng bayan. Sila ay pinaslang ng mga elemento ng pulis sa gitna ng pagsasatitik ng dumadagundong na sentimyento ng nagkakaisang mamamayan– DUTERTE IBAGSAK.