Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Bakit mabibigo ang AFP na gapiin ang BHB sa NCMR?
Napakalaking kasinungalingan ang ipinagmayabang ni Sec. Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office noong Hulyo 28 na pabagsak na ang rebolusyonaryong kilusan sa North Central Mindanao Region (NCMR). Ito raw ay dahil mayroon nang 2,517 myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na sumurender, 618 Pulang mandirigma na “nanyutralisa” at 10 larangang gerilya na nabuwag sa […]
Mga protestang bayan
Ligtas na balik-eskwela, ipaglaban. Nagsumite ng petisyon ang mga organisasyong kasapi ng Back to School Network-Panay sa lokal na upisina ng CHED at DepEd sa Iloilo City noong Hulyo 22. Hiling nila na ligtas na muling buksan ang mga klase at suportahan ng panrehiyong mga ahensya ang ₱10,000 ayuda para sa mga estudyante. Nagprotesta naman […]
Apat na magsasaka sa Bicol, pinaslang ng AFP
Apat na magsasaka ang pinatay sa Bicol at apat din ang inaresto ng mga pwersa ng estado sa mga araw bago ang State of the Nation Address ni Rodrigo Duterte. Pinatay ng mga pulis sina Jemar Palero, kasapi ng Organisasyon ng mga Magsasaka sa Albay at Marlon Naperi ng Albay People’s Organization, gabi ng Hulyo […]
Mapanlinlang at mapanghating programa ng "reporestasyon"
Isa ang “Sulong” sa mga baryo na saklaw ng Enhanced National Greening Program (E-NGP), ang huwad na programang reporestasyon ng reaksyunaryong estado. Dito, ginamit ng estado, katuwang ang militar, ang programa para agawin ang lupa ng mga magsasaka at isulong ang kampanyang kontra-insurhensya. Patunay nito ang ipinatawag na pulong ng mga sundalong umokupa sa baryo […]
Huwad na reporestasyon
Unang ipinatupad noong 2011 sa ilalim ng rehimeng Aquino ang NGP. Pinalawig at pinasaklaw ito sa pamamagitan ng Executive Order 193 (E-NGP) noong 2015 sa kabila ng deklarasyong bigo ang programa. Ipinagpatuloy ito ng mga upisyal ni Duterte dahil ang pondo nito (mahigit ₱5 bilyon) ay ginagawang palabigasan ng mga pulitiko. Ipinagmalaki noong 2019 ng […]