Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Dalawang aktibista, pinaslang sa Brgy. Paulog, Ligao City
July 26, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Albay (Santos Binamera Command) |

Mahigpit na kinukundena ng Santos Binamera Command Bagong Hukbong Bayan – Albay (SBC BHB – Albay) ang paspaslang ng Philippine National Police (PNP) sa dalawang aktibistang sina Jemar Palero, 22 taong gulang, may asawa at isang anak, residente ng Brgy. Catomag, at Marlon Naperi, 38 taong gulang, may asawa at limang anak, residente ng Brgy. […]

MAKIBAKA-Bicol hinggil sa palpak na blended learning ng DepEd
July 26, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Bicol |

Ang husga ng mga nanay at magulang – palpak ang blended learning ng Deped! Hindi na nga magkadaugaga sa pasa-todong pagtatrabaho sa loob ng bahay at sa paghahanapbuhay sa gitna ng kalula-lulang krisis, ipapapasan pa sa mga magulang ang pagtuturo sa kanilang mga anak? Saang palad pa sila kukuha ng panggastos at panahon para tugunan […]

Hinggil sa napakababang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at palyadong blended learning sa panahon ng pandemya
July 26, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Katipunan ng mga Gurong Makabayan-Bicol |

Nangangamba ang mga guro sa kinabukasan ng mga bata at kabataan sa bansa. Ano na lang ang maiaambag nila sa lipunan kung napakababa ng kalidad ng edukasyong kanilang natatanggap? Lalo pa itong sumahol ngayong panahon ng pandemya. Sa pagtatapos ng modular, blended at online learning ngayong taon, ayon sa mga magulang na tuwirang nakasama ng […]

Garapalang Katiwalian sa AFP at PNP para sa paghaharing Duterte-Duterte
July 26, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sa desperasyong makapagpalawig sa kapangyarihan, kasuklam-suklam na pinalalakas ni Duterte ang AFP at PNP sa pamamagitan ng pagbusog sa mga upisyal sa militar at pulis ng kurakot mula sa hungkag na modernisasyon ng AFP, kontra-insurhensyang NTF-ELCAC at madugong gera kontra droga. Gamit ang pasismo at terorismo ng estado, walang habas na dinambong ng rehimen ang […]

Pagbabayarin ng mamamayan si Bacarro at ang AFP-PNP-CAFGU sa kanilang mga krimen sa timog Luzon at buong bansa
July 26, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Walang kagitingang maipagmamayabang si Maj. Gen. Bartolome Vincent Bacarro, ang bagong itinalagang Southern Luzon Command (SOLCOM) kumander. Tulad ng kanyang hinalinhinang si Lt. Gen. Antonio Parlade at iba pang upisyal militar, kinakatawan ni Bacarro ang madugo, korap at bulok na kultura ng AFP-PNP-CAFGU. Tigmak ng dugo ang kanyang kasaysayan bilang kumander ng iba’t ibang yunit […]