Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Kasamang Celso “Ka Jose/Yok” Oabina
July 20, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Albay (Santos Binamera Command) | Florante Orobia | Spokesperson |

Nagpupugay ang Santos Binamera Command Bagong Hukbong Bayan – Albay (SBC BHB – Albay) sa pinakamataas na sakripisyong inialay ni Kasamang Celso Oabina o mas kilala bilang Kasamang Jose ng mga kasamang kanyang nakasalamuha. Napatay si Ka Jose sa isang depensibang labanan nitong nakaraang Hulyo 15, 2021. Sinikap niyang sa kanya mapokus ang atensyon ng […]

Dangadang | July 2021
July 20, 2021

Ang Dangadang ay rebolusyonaryong dyaryo sa Hilagang-Kanlurang Luzon sa patnubay ng PARTIDO KOMUNISTA ng PILIPINAS. Inihahayag dito ang mga balita sa mga aksyon ng Bagong Hukbong Bayan at pakikibaka ng mamamayan gayundin ang pagsusuri sa mga isyung kinakaharap ng mamamayan.

Pagpupugay kay Nanay Mameng, tinig ng maralitang Pilipino
July 20, 2021 | Communist Party of the Philippines |

Taos-pusong nakikiramay ang Partido Komunista ng Pilipinas sa mga anak at kamag-anak, mga kasama at kaibigan ni Nanay Mameng (Carmen Deunida), tanyag na lider-maralita na nagbigay-mukha at tinig sa hinaing at mga pakikibaka ng masang anakpawis. Pumanaw kahapon si Nanay Mameng sa edad na 93. Nakikiisa kami sa milyun-milyong maralitang Pilipino sa pagbibigay-pugay sa isa […]

Pulang saludo sa Artista ng Bayan, Prof. Leonilo (Neil) Doloricon
July 19, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | Artista at Manunulat ng Sambayanan (Armas) |

Para sa mahigit apat na dekadang sining para sa masa, pulang saludo at taas-kamaong pagpupugay, Prof. Neil Doloricon: huwarang artista, tunay na manggawang pangkultura, dakilang Artista ng Bayan.

Hinggil sa "teroristang designasyon" ni Duterte sa NDFP
July 19, 2021 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Hinihimok ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang lahat ng patriyotiko at demokratikong pwersa at lahat ng nagtataguyod ng hustisya at kapayapaan kapwa sa loob at labas ng bansa na magkaisa at mahigpit na tuligsain ang rehimeng US-Duterte at kanyang “Anti-Terrorism Council” (ATC) sa ginawang “teroristang designasyon” nito sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa inilabas na Resolution No. 21 noong Hunyo 23.