Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Sa madaling salita
Daan-daang libo, nagprotesta sa Myanmar
Hindi napigilan ng pandemya at ng diktadurang militar ang pagbuhos sa lansangan ng daanlibong mamamayan sa Myanmar. Halos araw-araw silang nagpuprotesta mula Pebrero 5 para ipanawagan ang pagbaba ng huntang militar na umagaw sa estado poder. Ipinananawagan din nila ang pagpapalaya at pagbabalik sa halal na mga upisyal na pinamumunuan ni Aung San Suu Kyi. […]
Trump, ipinawalang-sala ng Senado ng US sa pangalawang pagkakataon
Ipinawalang-sala ng Senado ng US noong Pebrero 14 ang dating presidente ng bansa na si Donald Trump sa kasong “incitement of insurrection” o pag-udyok sa mamamayan na atakehin ang US Capitol noong Enero 6. Hindi nanaig ang mga nagsakdal kahit pa nakakuha sila ng 57 botong pabor laban sa 43 botong tutol. Ito ay dahil […]
Presyo ng langis, 3 beses nang tumaas ngayong taon
Sa pangatlong pagkakataon ngayong taon, muling tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo noong Pebrero 14. Tumaas nang ₱0.75 ang kada litro ng gasolina, ₱1.25 ng diesel at ₱1.10 ng kerosene. Noong Pebrero 9, tumaas na nang ₱0.85 ang gasolina, ₱1.10 ang diesel at ₱1.00 ang kerosene. Kumpara sa nakaraang taon, mas mataas na nang […]