Trump, ipinawalang-sala ng Senado ng US sa pangalawang pagkakataon

,

Ipinawalang-sala ng Senado ng US noong Pebrero 14 ang dating presidente ng bansa na si Donald Trump sa kasong “incitement of insurrection” o pag-udyok sa mamamayan na atakehin ang US Capitol noong Enero 6. Hindi nanaig ang mga nagsakdal kahit pa nakakuha sila ng 57 botong pabor laban sa 43 botong tutol. Ito ay dahil kailangan ng 67 boto o 2/3 ng kabuuang boto ng mga senador para ideklara siyang maysala. Una nang ipinawalang-sala ng Senado si Trump sa ibang kaso noong Enero 2020.

Bilang remedyo, balak ng Kongreso ng US na magtatag ng isang komisyon para imbestigahan ang maka-Trump na mga grupo at kanilang mga tagasuporta sa partidong Republican na sangkot sa pang-aatake sa Kongreso. Ayon sa paunang ulat, isa sa bawat lima sa mga umatake ay mga beterano o aktibong myembro ng militar ng US.

Trump, ipinawalang-sala ng Senado ng US sa pangalawang pagkakataon