Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Sa madaling salita..
September 21, 2020
Protesta para sa karapatan at laban sa kaltas sa badyet at diktadura
September 21, 2020

Sunud-sunod na mga protesta sa lansangan at online ang isinagawa ng iba’t ibang sektor nitong nakaraang dalawang linggo. Nagpiket ang mga kabataan sa harap ng Kongreso sa Quezon City kasabay ng pagtalakay sa badyet para sa edukasyon noong Setyembre 16. Sinundan ito ng pagkilos ng mga maralitang lunsod na naggiit na agad nang ipamahagi ang […]

Labis-labis na pangungutang ni Marcos, tinutularan ni Duterte
September 21, 2020

Pangatlong bahagi ng serye kaugnay sa pangungutang ng rehimeng Duterte. Basahin ang unang bahagi, “Malakihang pangungutang sa ngalan ng pandemya,” sa Ang Bayan, Agosto 21, 2020; ikalawang bahagi, “Perwisyong hatid ng kaliwa’t kanang pangungutang ni Duterte,” Ang Bayan, Setyembre 7, 2020. Tulad ni Rodrigo Duterte ngayon, nakipagsabwatan ang diktador na si Ferdinand Marcos noon sa […]

Mga ahenteng paniktik, pinarusahan
September 21, 2020

Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Roselyn Jean Pelle Command ang ahenteng paniktik na si Benedicto Omblero noong Setyembre 4 sa Negros Occidental. Nakumpiska mula sa kanya ang dalawang kalibre .45 at mga bala. Si Omblero ay elemento ng Military Intelligence Battalion na nasa ilalim ng 3rd ID, at kasapi ng anti-komunistang grupong ANAD. Samantala, pinarusahan […]

Pemberton, binigyan ng pardon at nakauwi na sa US
September 21, 2020

Gulat at galit ang sumalubong sa paggawad ni Rodrigo Duterte ng presidential pardon o absolutong pagpapatawad noong Setyembre 6 kay Joseph Scott Pemberton, ang sundalong Amerikanong pumatay sa transgender na si Jennifer Laude noong 2015. Kalahati pa lamang sa 10-taong sentensya ang naging haba ng kanyang pagkakabilanggo. Sa pahayag nito noong Setyembre 7, tinawag ng […]