Mga ahenteng paniktik, pinarusahan

,

Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Roselyn Jean Pelle Command ang ahenteng paniktik na si Benedicto Omblero noong Setyembre 4 sa Negros Occidental. Nakumpiska mula sa kanya ang dalawang kalibre .45 at mga bala. Si Omblero ay elemento ng Military Intelligence Battalion na nasa ilalim ng 3rd ID, at kasapi ng anti-komunistang grupong ANAD.

Samantala, pinarusahan din ng BHB-Surigao del Norte ang ahenteng paniktik na si PSSgt. Restie Dandan noong Agosto 18.

Parehong sangkot sina Omblero at Dandan sa iligal na pag-aresto sa mga magsasaka, pagbabanta sa mga residente, pangingikil at iba pang mga anti-sosyal na gawain sa mga komunidad.

Sa Davao City, limang sundalo ng 27th IB ang napatay nang ambusin sila ng BHB sa Sityo Lubas, Paquibato District noong Agosto 26.

Mga ahenteng paniktik, pinarusahan