Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Makasaysayang kaso laban sa Red-tagging, isinampa ng IBON
February 21, 2020

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsampa ng administratibong reklamo noong Pebrero 10 ang IBON Foundation sa Office of the Ombudsman laban sa mga upisyal ng reaksyunaryong gubyerno na nangunguna sa kampanyang Red-tagging ng rehimen. Kabilang sa mga kinasuhan sina Maj. Gen. Antonio Parlade, Jr., kumander ng Souther Luzon Command; Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Usec. Lorraine […]

Sino ang makikinabang sa Sangley Airport Project?
February 21, 2020

Kabilang ang Sangley Point International Airport Project sa Cavite City sa mga niratsadang proyekto ng rehimeng Duterte sa ilalim ng programang Build, Build, Build. Pormal na pinasinayaan mismo ni Duterte ang nasabing proyekto noong Pebrero 15, walong buwan lamang matapos niyang i-utos na ilipat sa nasabing paliparan ang lokal na mga pampublikong byahe at pribadong […]

Walang pangil na deklarasyon laban sa reklamasyon
February 21, 2020

KASABAY NG PAGPAPASINAYA sa Sangley Airport, nagpahayag ang demagogong si Rodrigo Duterte na ipagbabawal na niya ang anumang proyektong reklamasyon sa Manila Bay ng mga pribadong kumpanya hanggang sa matapos ang kanyang termino. Gayunman, walang pangil ang pahayag na ito sapagkat inamin din niyang wala na siyang magagawa para ipatigil ang mga proyektong naaprubahan na. […]

Atake sa ABS-CBN: atake sa kabuhayan at demokrasya
February 21, 2020

Umani ng suporta ang kumpanya sa midya na ABS-CBN at mga empleyado nito mula sa iba’t ibang grupo at personalidad matapos magsampa ng petisyong quo warranto si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema laban sa kumpanya noong Pebrero 10. Matapos ang isang linggo, muling naghain si Calida ng “gag order” (petisyon para patahimikin) para […]

Laban ng mga manggagawa sa Harbour Centre
February 21, 2020

NAGLUNSAD NG PROTESTANG “Black Valentines Day” ang mga kasapi ng Unyon ng mga Manggagawa sa Harbour Centre sa pyer ng Manila noong Pebrero 14 para batikusin ang kawalang puso ng kapitalistang si Reghis Romero, may-ari ng Manila Harbour Centre (MHC). Ito ay para igiit na ibalik ang 253 manggagawa at lider-unyon na tinanggal ni Romero […]