Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Pagkalat ng COVID-19, sintomas ng malubhang kalagayan ng pampublikong kalusugan
Binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas ang rehimeng Duterte sa matinding pagpapabaya nito sa kalusugan ng publiko sa harap ng pagkalat ng 2019 Novel Coronavirus (COVID-19). Dahil sa kawalang pakialam sa pangangalaga sa pampublikong kalusugan, huli nang ipinagbawal ni Duterte ang mga byahe mula sa mga bansa kung saan unang kumalat ang virus at kahit […]
Kabulukan sa loob ng CAFGU sa Ilocos-Cordillera
Nang binuo ang Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) noong 1987, bahagi ng layunin nito ang pagkaitan ng baseng magsasaka ang Bagong Hukbong Bayan (BHB). Sa halip na tugunan ang problema sa lupa, binuyo ng militar ang mahihirap na magsasaka upang gamitin laban sa kanilang mga kauri. Sapilitang nirekluta at ipinasok sa CAFGU ang ginipit […]
Amyenda sa PSA, nilalantad ang pangangayupapa #ni Duterte sa imperyalismong US—PKP
Sa isang pahayag noong Pebrero 20, binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pagratsada ni Duterte, kanyang maka-US na mga teknoktrata at sinuhulang supermayorya sa Kongreso sa pag-amyenda sa Public Security Act (PSA). Ang repormang ito, na nilagdaan niyang “kagyat” at bahagi ng kanyang lehislatibong adyenda, ay ipinasa ng reaksyunaryong Kongreso sa ikalawang pagbasa […]
Iskemang pastillas at laganap na kriminalidad sa industriya ng POGO
Nalantad noong nakaraang linggo ang laganap na katiwalian sa Bureau of Immigrations (BI) kaugnay ng pagtanggap ng mga upisyal nito ng suhol kapalit ng iligal na pagpapasok sa mga manggagawang Chinese sa bansa. Tinawag ang modus na ito na “iskemang pastillas” dahil ang suhol na tinatanggap ng mga upisyal ay nakabilot sa papel nang sa […]
Kalupitan at katiwalian, tatak ng 77th IB
Nagmumula sa 77th “Cadre” Battalion ang mga sundalong nangangasiwa sa mga CAFGU sa Ilocos, Cagayan at Cordillera. Sa loob ng mga detatsment ng CAFGU, ang mga kadreman ng 77th IB ang nag-aastang panginoon ng mga paramilitar. Sila rin ang pasimuno ng bulok na kultura, nakawan at kalupitan sa mga residente sa mga baryong kinalalagyan ng […]