Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pag-ibayuhin ang demokratikong pakikibaka sa 2020
December 21, 2019

Walang lubay na pahirap ang idinulot ng rehimen ni Rodrigo Duterte nitong 2019. Sunud-sunod ang hambalos ng mga pahirap at anti-mamamayang patakaran nito sa kabuhayan at kagalingan ng mamamayang Pilipino. Pinasahol nito ang dati nang masisidhing suliranin ng disempleyo at kawalan ng mapagkakakitaan at seguridad sa trabaho, mababang sahod, kawalan ng lupa at dislokasyon, mataas […]

Pamilyang Ampatuan, hinatulang nagkasala
December 21, 2019

Habambuhay na pagkakakulong ang hatol sa magkapatid na Datu Andal Ampatuan Jr. at Zaldy Ampatuan sa kaso ng Maguindanao Massacre. Ito ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na desisyon ay inilabas noong Disyembre 19, mahigit isang dekada matapos ang krimen. Hinatulan din ng habambuhay na pagkakakulong sina Datu Anwar Sajid Ampatuan, Datu Anwar […]

Ang rebolusyonaryong kilusan sa panahon ng kalamidad
December 21, 2019

Isa ang Southern Tagalog (ST) sa matinding sinalanta ng nagdaang bagyong “Tisoy” noong huling bahagi ng Nobyembre hanggang nitong Disyembre. Bilang pagtugon sa mga nabiktima, nagsagawa ng mga operasyong relief at rehabilitasyon ang mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa rehiyon. Sa panahon ng mga kalamidad at sakuna, pinakabulnerable ang masang magsasaka at anakpawis […]

Krisis sa karapatang-tao
December 21, 2019

Pamamaslang, iligal na pag-aaresto, tortyur, Red-tagging—ilan lamang ito sa mga kaso ng matinding paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng rehimeng Duterte. Sa ilalim ng batas militar sa Mindanao, walang pakundangan ang paghahasik ng teror ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga paramilitar, gayundin ang PNP at mga death squad. Gamit ang Executive Order […]

Planong pagtatayo ng kampo-militar sa Marawi, kinundena
December 21, 2019

Mariing kinundena ng Suara Bangsamoro ang planong pagtatayo ng bagong kampong militar sa Marawi City. Para sa grupo, ang planong ito ay panibagong paglabag sa karapatan ng mamamayang Moro, matapos pulbusin ng rehimeng Duterte ang syudad. Sa kanilang pahayag noong Disyembre 17, binigyan ng grupo ng diin na hindi hihilom sa dinanas ng mamamayang Maranao […]