Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Upisina ng Ibon Foundation at Altermidya, tinangkang pasukin
November 21, 2019

TINANGKANG PASUKIN NG mga pulis ang mga upisina ng Ibon Foundation at Altermidya sa Timog Avenue sa Quezon City at ang upisina ng Philippine Collegian, pahayagang pangkampus ng University of the Philippines-Diliman. Noong Nobyembre 7, tumawag ang isang upisyal ng National Capital Region Police Office na magsasagawa ito ng inspeksyon sa Ibon Building kung saan […]

Martsa sa ika-6 na taon ng Yolanda, inilunsad
November 21, 2019

NOONG NOBYEMBRE 8, nagmartsa ang mga progresibong organisasyon, sa pangunguna ng People Surge, tungong Tacloban upang gunitain ang ika-anim na taon ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas. Kinundena ng mga grupo ang kapabayaan ng rehimeng Duterte at ang matinding korapsyon ng kanyang mga alipures sa pondong rehabilitasyon. Kaugnay nito, naghain ng kaso ang […]

Ampatuan Masaker: Isang dekada ng inhustisya
November 21, 2019

NAKIISA ANG PARTIDO Komunista ng Pilipinas sa paggunita sa ika-10 anibersaryo ng pagpaslang sa 53 katao, karamihan ay mga mamamahayag, sa tinaguriang Ampatuan masaker noong Nobyembre 17. Anang Partido, salamin ang naturang masaker ng bulok na sistema ng pulitika na pinaghaharian ng mga warlord at panginoong maylupa. Gumagamit ang mga ito ng mga armadong maton […]

Welga ng mga manggagawa ng Regent Foods, binuwag
November 21, 2019

MARAHAS NA BINUWAG ng mga pulis at bayarang maton ng Regent Foods Corporation ang welga ng Regent Food Workers Union sa mga pabrika nito sa Pasig City at Taguig noong Nobyembre 9. Dalawampu’t apat na indibidwal ang iligal na inaresto, kabilang ang dalawang myembro ng Defend Job Philippines at isang drayber ng traysikel na nagkataong […]

Huwes, pinarangalan sa Cordillera
November 21, 2019

PINARANGALAN NG MGA tagapagtanggol sa karapataong-tao at mga progresibong organisasyon sa Cordillera ang huwes na si Mario Anacleto Bañez sa kanyang lamay noong Nobyembre 11. Binaril at pinatay ng di nakilalang mga lalaki si Bañez sa loob ng kanyang sasakyan sa Barangay Mameltac, San Fernando, La Union noong Nobyembre 6. Siya ay huwes ng Regional […]