Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Protestang #PayDay, inilunsad
INILUNSAD NG MGA manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno ang #PaydayProtest noong Hulyo 15, isang linggo bago ang State of the Nation Address ni Rodrigo Duterte. Kinundena nila ang pambabarat ng rehimeng Duterte sa mga manggagawa, nagpapatuloy na patakaran ng kontraktwalisasyon at pangkalahatang kawalang trabaho sa buong bansa. Nakiisa sa protesta ang mga manggagawang […]
63rd IB at 87th IB, hinaras ng BHB
DALAWANG BESES NA hinaras ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Western Samar ang mga elemento ng 63rd IB noong Hunyo 16 sa Barangay Bay-ang, San Jorge, Samar. Dalawang sundalo ang napatay. Tatlong elemento rin ng 87th IB ang napatay sa operasyong haras ng BHB noong Hunyo 27 sa Barangay Sto. Niño, Paranas. Samantala, naglunsad ng punitibong aksyon […]
Pamamayani ng huntang sibil-militar
Isang huntang sibil-militar ang nagpapatakbo sa sibilyang burukrasya ng rehimeng US-Duterte. Nitong Hulyo, umaabot sa 64 na pusisyong sibilyan sa gubyerno ang hawak ng retiradong mga sundalo at pulis. Labing-isa sa kanila ay nasa gabinete at namumuno sa mayor na mga ahensya. Madadagdagan pa ang kanilang hanay ng itatalaga ni Rodrigo Duterte na dating sundalo […]
Pagpapasara sa mga paaralang Lumad, kinundena
NAGPROTESTA ANG MGA mag-aaral at guro ng mga paaralang Lumad sa ilalim ng Save Our Schools (SOS) Network sa harap ng upisina ng Department of Education sa Pasig City noong Hulyo 17 para kundenahin ang tangkang pagpapasara sa mga paaralang Lumad sa Mindanao. Partikular nilang binatikos ang pagsuspinde sa 55 paaralan na pinatatakbo ng Salugpongan […]
Tangkang pagdukot, binigo ng taumbaryo
Napigilan ng mga residente ng Barangay Bito-on sa Jaro District, Iloilo City ang tangkang pagdukot ng isang kilalang lider-masa nitong buwan. Sama-samang naipagtanggol ng kanyang mga kapitbahay si Wilfredo “Tay Pido” Panuela, 65, isa sa mga lider ng Katilingban sang mga Imol sa Syudad (Kaisog) laban sa dalawang ahenteng paniktik ng estado. Hinarang ng taumbaryo […]