Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Mataba ang lupa sa kanayunan para paigtingin ang digmang bayan
Ang bawat sulok ng mga bukid at kabundukan sa malawak na kanayunan ng Pilipinas ay batbat ng karukhaan at kagutuman. Walang lubay ang dinaranas na pagsasamantala at pang-aapi ng mahihirap na magsasaka, mga manggagawang bukid at iba pang saray ng masang anakpawis. Masidhi ang kanilang pagnanais na wakasan ang mahigit isang siglong sistemang malapyudal na […]
Komboy ng PNP, inambus ng BHB sa CamSur
MATAGUMPAY NA INAMBUS ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-West Camarines Sur (Norben Gruta Command) ang 1st Camarines Sur Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Philippine National Police (PNP) sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Napolidan, Lupi, Camarines Sur noong Oktubre 18, alas-8:55 ng umaga. Ang nasabing yunit ng PNP ay bahagi ng komboy panseguridad ni […]
9 na magsasaka, minasaker sa Negros
Siyam ang patay, kabilang ang dalawang menor de edad at apat na babae, sa isang masaker sa Hacienda Nene, Purok Fire Tree, Barangay Bulanon, Sagay City, Negros Occidental, noong Oktubre 20. Pinaulanan ng bala ng aabot sa 40 armadong lalaki ang mga magsasakang nagpapahinga bandang alas-9:30 ng gabi sa isang kubol sa nasabing asyenda. Kinilala […]
Ang pagpapanday ng Partido sa FX
Ang artikulong ito ay ambag ng mga myembro ng Partido sa rehiyon ng Bicol sa serye ng Ang Bayan (AB) tungkol sa mga tampok na karanasan sa pagbubuo ng mga sangay ng Partido sa ibaít ibang larangan ng rebolusyonaryong gawain. Nananawagan ang patnugutan ng AB sa iba pang komite ng Partido na mag-ambag sa […]
Konsultant ng NDFP at 4 na iba pa, iligal na inaresto
ILIGAL NA INARESTO ng militar at pulisya ang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Adelberto Silva, at apat na iba pa bandang alas-2 ng hapon sa Barangay Pagsawitan, Sta. Cruz, Laguna noong Oktubre 15. Kasama ni Silva, 71, sina Hedda Calderon, 63, ng Gabriela Women’s Party; Ireneo Atadero, 55, […]