Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

(Video) Ang Bayan October 7, 2025 Headlines
October 07, 2025

Download

Marcos: Hari ng mga tiwaling burukrata-kapitalista
October 07, 2025

Naghuhugas kamay si Ferdinand Marcos Jr sa nabubunyag na mga anomalya at korapsyon kaugnay sa mga proyektong flood control. Pinalalabas niyang wala siyang kinalaman sa mga ito at nagkukunwari pang interesado sa pagpapanagot ng mga magnanakaw ng pondo. Tulad ng paggamit ng rehimeng Duterte sa “matrix” noon ng kunwa’y mga drug lord na pulitiko, ginagamit […]

Aset sa pagpatay kay Ericson Acosta, iba pa, pinarusahan ng BHB
October 07, 2025

Pinatawan ng rebolusyonaryong kilusan ng parusa si Garde Francisco, aset paniktik ng 15th IB at mayroong patung-patong na kasong kriminal laban sa rebolusyonaryong kilusan at mga sibilyan. Napatay siya sa pagsalakay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southwest Negros (Armando Sumayang Jr) sa kanyang bahay sa Sityo Lumbia, Barangay Kamansi, Kabankalan City, Negros Occidental noong Oktubre 3 […]

Alyansa kontra incinerator sa Maynila, binuo
October 07, 2025

Nagtipon noong Setyembre 30 sa San Pablo Apostol Parish Church sa Maynila ang daan-daang residente ng Smokey Mountain at iba pang barangay ng Tondo, at mga lider-relihiyoso at maka-kalikasang grupo para itatag ang Manila Anti-Incinerator Alliance (MAIA). Ang pagtitipon, na itinaon sa paggunita sa Day of Action Against Incineration, ay may layuning labanan ang planong […]

2 lider ng CPI (Maoist), sadyang pinaslang ng rehimeng Modi
October 07, 2025

DAlawang myembro ng Komite Sentral ng Communist Party of India (Maoist) ang higit 10 araw na sikretong idinetine bago sadyang pinaslang ng armadong pwersa ng rehimeng Modi noong Setyembre 22. Pinalalabas ng rehimeng Modi na napaslang sa engkwentro ang dalawa sa Abujhmad para pagtakpan ang krimen at takasan ang pananagutan nito. Ayon sa mga ulat, […]