Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Papanagutin ang 201st Brigade at 2nd ID sa pambobomba at pang-iistraping sa Tagkawayan, Quezon
Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang pang-iistraping, panganganyon at pambobomba ng berdugong pwersa ng 16th IB sa ilalim ng 201st Brigade at 2nd Infantry Division sa Barangay Maguibuay, Tagkawayan, Quezon noong Agosto 2 sa pagitan ng alas-5 ng hapon hanggang ala-6:30 ng hapon. Dalawang heligunship ang ginamit ng pasistang tropa bilang desperadong hakbang na tugisin ang […]
Gunitain ang mga Martir at Bayani ng Agosto ng Panay
Muli nating alalahanin at buhayin sa ating mga rebolusyonaryong diwa at damdamin ang iniwang pamana ng mga mahal nating 11 Martir at Bayani ng Agosto sa isla ng Panay. Ialay natin ang pinakamataas na pagpupugay at pulang saludo sa kanilang katapangan na tangan ang armas hanggang sa huling hininga. Ang Komite ng Partido sa Sentral […]
SONA ni Marcos kabulaanan at ilusyon lang
“SONA san na?”, ito ang tanong ng mga mamamayan sa isla ng Panay sa mga proyekto at kaunlarang ipinangalandakan sa pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Bongbong Marcos. Walang makitang aktwal na hitsura ang mga mamamayan sa mga paghahambog ni Marcos. Tatlong taon na sa pwesto subalit ang ipinangakong gawing Php20 ang […]
Bayan ng Las Navas, Northern Samar, mula 2019 pa binobomba ng 8th ID
Nais bang pulbusin ng 8th Infantry Division ang bayan ng Las Navas, Northern Samar? Noong Oktubre 2019, binomba ng 8th ID ang Barangay Caputoan, kung saan nasira ang isang bahay at bukid ng isang magsasaka. Noong Setyembre 2021 binomba nila ang bukiring sakop ng Barangay San Francisco, sinira ang ilang tahanan at nakapatay ng mga […]
Malawakang paghahamlet sa mga baryo sa Las Navas, muling ipinataw
Inilalabas ng National Democratic Front-Eastern Visayas (NDF-EV) ang pampublikong alerto na ito sa harap ng umiigting na militarisasyon at malawakang pagkasira ng kabuhayan ng mga magsasaka bunsod ng muling pagpataw ng 8th Infantry Division ng mga hamlet sa mga baryo sa Las Navas, Northern Samar. Batay sa mga ulat na nakalap ng NDF-EV, isinailalim ng […]