Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Nagpupunyagi ang hukbong bayan sa Northern Negros
June 21, 2025

Matapos ang dalawang taon, muli na namang magpapalit ng kumander ang 79th IB—ang batalyong nakatutok sa kampanyang kontra-insurhensya sa Northern Negros. Tulad ng target ng mga dating kumander ng batalyon na lansagin ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) at rebolusyonaryong kilusan sa erya, bigong bababa sa pwesto si Lt. Col. Arnel Calaoagan. Naging kumander ng batalyon […]

Mga protesta
June 21, 2025

  Pagpatay sa panukalang dagdag sahod, binatikos. Nagprotesta noong Hunyo 12 sa Quezon City ang Kilusang Mayo Uno at mga grupo sa paggawa para kundenahin ang pagpatay ng rehimeng US-Marcos at mga alipures nito sa panukalang batas para dagdagan ng ₱200 ang arawang sahod ng mga manggagawa. Idinahilan ng Senado na “wala nang panahon” at […]

Paglilitis sa kasong impeachment kay Sara Duterte, inaantala
June 21, 2025

Libu-libong mamamayan ang nagprotesta sa harap ng Senado sa Pasay City noong Hunyo 11 para itulak ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte sa kaso niyang ng impeachment. Disyamado ang mamamayan sa tila pagprotekta ng Senado, na tumatayong impeachment court, kay Duterte sa ginawa nitong mga taktika ng sadyang pag-antala sa paglilitis. Binatikos ng Bagong […]

3 berdugong sundalo ng 62nd IB, napaslang ng BHB-Central Negros
June 21, 2025

Pinasabugan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) gamit ang M203 grenade launcher ang nag-ooperasyong tropa ng 62nd IB sa Sityo Lip-o, Barangay Imelda, Guihulngan City, Negros Oriental noong Hunyo 14. Tatlong sundalo ang napatay sa atake. Ayon sa mga residente, ipinuslit ng 62nd IB ang mga bangkay noong gabi ng Hunyo 14 […]

Kontrol ng US sa militar at mga usaping seguridad ng Pilipinas, lalong pinahihigpit
June 21, 2025

Noong Hunyo 12, ginunita ng iba’t ibang grupong makabayan ang ika-127 taon ng huwad na kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng protesta sa harap ng embahada ng US sa Maynila. Binatikos nila ang umiigting na panghihimasok at interbensyong militar ng US sa Pilipinas at ang kriminal na papel ng US sa henosidyo sa Palestine. Kinundena […]