Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Mga aktibistang Pilipino sa US, lumahok sa protesta laban kay Trump
June 21, 2025

Milyun-milyong mamamayan ng US ang naglunsad ng mga protestang tinaguriang araw ng “No Kings” (o Walang Hari) noong Hunyo 14, bilang pagtutol sa pasismo at anti-mamamayang mga patakaran ng rehimeng Trump. Umabot sa 2,000 protesta sa 1,500 syudad ang inilunsad sa buong bansa. Tinawag ang protesta na “No Kings” laban sa pag-aastang-hari ni Trump, at […]

Apela para sa pansamantalang paglaya ni Duterte sa detensyon ng ICC, tinutulan
June 21, 2025

Mariing tinutulan ng mga pamilya ng biktima, abugado ng karapatang-tao, at progresibong organisasyon ang apela para sa pansamantalang pagpapalaya sa dating pangulong si Rodrigo Duterte mula sa pagkakakulong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, The Netherlands. Anila, ang hakbang na ito ay banta sa hustisya para sa libu-libong pinaslang sa ilalim ng “war […]

Pulang saludo kay Kasamang Luis Jalandoni, bayani ng masa, dakilang lider rebolusyonaryo
June 20, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka) |

Nagpupugay ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka), sampu ng masang kasapian nito sa kanayunan at kalunsuran, kay kasamang Luis “Louie” Jalandoni na pumanaw kamakailan. Ipinapaabot namin ang aming mahigpit na mga yakap ng pakikiramay sa kanyang kabiyak, si Gng. Coni Ledesma na siya ring tagapagsalita ng Makibaka sa ibayong dagat. Gayundin sa kanilang anak […]

Pagsuporta ng BHB-EMC sa panagawan ng hustisya para kay Jason Pardullo, kabataang magsasakang pinaslang ng AFP sa Borongan
June 20, 2025 | New People's Army | Eastern Visayas Regional Operational Command (Efren Martires Command) |

Sa ngalan ng lahat ng yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa Eastern Visayas, lubos na nakikidalamhati ang Efren Martires Command sa pamilya at mga kaibigan ni Jason Grafil Padullo, ang 16-anyos na binatang inistraping hanggang mamatay ng pasistang militar sa Borongan City, Eastern Samar kamakailan. Nakikiisa kami sa inyong sigaw para sa hustisya at pagpapanagot […]

Sampal kay Marcos ang ulat ng UN—CPP
June 20, 2025 | CPP Information Bureau |

“Malutong na sampal sa rehimeng Marcos, AFP at laluna sa NTF-Elcac.” Ganito inilarawan ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang kamakailang ulat ni UN Special Rapporteur Irene Khan, gayundin ni UN Special Rapporteur Morris Tidball-Binz at ng Philippine UPR (Universal Periodic Review) Watch, na inihapag sa UN Human Rights Council nitong Hunyo. “Kahit sa […]