Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Kalatas Special Issue | December 2024
Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Palalimin at palawakin ang kilusang pagwawasto upang ibayong palakasin ang Partido sa rehiyong Timog Katagalugan! Pamunuan ang paglaban ng sambayanan sa papet, pasista at mandarambong na rehimeng US-Marcos II! Mapagpunyaging isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon!
Sa dakilang araw na ito, ipinapaabot ng Komiteng Rehiyon sa Timog Katagalugan ang pinakamataas na pagpupugay sa ika-56 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM). Pinagpupugayan ng Partido sa rehiyon kasama ang Bagong Hukbong Bayan at mga rebolusyonaryong mamamayan ang ika-56 anibersaryo ng PKP (MLM) dahil sa di napatid na wasto’t makasaysayang pamumuno nito […]
Pagbati ni Comrade Kathryn sa ika-56 anibersaryo ng PKP
Download Download
Ang Bayan Special Issue | December 26, 2024
Ang Bayan (“The People”) is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism. It is published by the Central Committee. AB comes out fortnightly every 7th and 21st of each month. The original Pilipino edition is translated into English, Bisaya, Waray, Hiligaynon and Iloko.
Ubos-kayang palakasin ang Partido sa ika-56 na anibersaryo nito! Pamunuan ang sambayanan sa pakikibaka laban sa rehimeng US-Marcos at isulong ang rebolusyon!
Habang mataas na itinatanghal ang Pulang bandila ng Marxismo-Leninismo-Maoismo at taglay ang higit na determinasyong pamunuan ang pambansa-demoktratikong rebolusyon ng mamamayang Pilipino, ipinaaabot ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas ang nag-aalab na pagbati nito sa lahat ng mga kadre at aktibista ng Partido, mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan, mga alyado sa National Democratic Front at malawak na masa ng sambayanang Pilipino sa okasyon ng ika-56 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido.