Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Itigil ang henosidyo sa Palestine at gerang agresyon sa Middle East! Papanagutin ang imperyalismong US at Zionistang Israel sa mga karumaldumal na paglabag sa karapatang tao at internasyunal na makataong batas!
October 15, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nagpupugay ang NDFP-ST sa mamamayang Palestine na tuluy-tuloy na lumalaban para sa pambansang pagpapalaya at laban sa pasismo. Isang taon na mula nang naganap ang Al Aqsa Flood o ang pag-aalsa ng mamamayang Palestine para labanan ang tumitinding pang-aapi at pampulitikang panunupil ng Zionistang Israel sa Gaza at West Bank. Hanggang ngayon, nagpapatuloy ang marubdob […]

Kung paano nananaig ang rebolusyon sa kabila ng mga atake
October 14, 2024 |

Tinanong ni Ka Andie ang sarili kung “mananatili pa ba ako rito o uuwi na sa NCR?” matapos maranasan ang serye ng matitinding atake at pambobomba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na kinilusan niya. Nasugatan si Ka Andie sa isa mga insidenteng ito. Pero tulad noon, iisa pa rin ang […]

Maitim na simbolo ng pang-aapi ang bahay-resort ni Marcos sa Malacañang
October 12, 2024 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Sa pagwawaldas ng daan-daang milyong pisong pera ng bayan—marahil sobra pa—para itayo ang isang “ala-resort” na bahay ng presidente sa bakuran ng Malacañang, lalo pang inihiwalay ni Marcos ang kanyang sarili sa mga Pilipino at inudyukan ang mas malalim at mas malawak nilang poot. Sa gitna ng tumitinding kahirapan, gutom, at hirap na dinaranas ng […]

Ipanawagan ang pagpapalaya sa NDFP peace consultant Porferio Tuna
October 11, 2024 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang rehimeng Marcos at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pag-aresto sa konsultant pang kapayapaan ng NDFP na si Porferio Tuna sa Tagum City, Davao del Norte noong Oktubre 2. Iginigiit ng Partido na dapat igalang ang lahat ng kanyang karapatan, kabilang ang kanyang karapatan sa […]

Papanagutin ang San Miguel Corporation sa mga paglabag sa karapatang pantao ng mga pambansang minorya sa Bugsuk, Balabac!
October 10, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDF-Palawan ang mga paglabag ng San Miguel Corporation sa karapatang pantao ng mga pambansang minoryang Molbog at Palaw’an sa Barangay Bugsuk, Balabac, Palawan. Marapat na papanagutin ng mamamayang Palaweño ang SMC sa mga kaso nito ng sapilitang pagpapalayas, pagbabanta, intimidasyon at pandarahas sa mamamayan ng Bugsuk. Mula Hunyo 29, dumaranas ang mga […]