Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Ka Lalay, kadre ng Partido, Pulang mandirigma, at bayani ng Lumad at mamamayang Pilipino
May 07, 2024

Binigyan ng pinakamataas na parangal ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Abril 22 si Aprecia Avarez Rosete (Ka Lalay), rebolusyonaryong pinuno at kadre ng PKP na namartir noong Pebrero 27 sa Barangay Malagad, Dumingag, Zamboanga del Sur. Sa panahon ng kanyang pagkamatay, si Ka Lalay ay kagawad ng Komite Sentral ng Partido […]

Ika-51 anibersaryo ng NDFP, ipinagdiwang
May 07, 2024

Ipinagdiwang ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang ika-51 anibersaryo nito noong Abril 24, kasama ang mga alyadong organisasyon at buong rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas at ibayong dagat. Isinagawa ang iba’t ibang tipo ng mga aktibidad para gunitain ang anibersaryo. Idinaos din noong Abril 17-Abril 24 ang linggo ng paggunita sa mga rebolusyonaryong […]

Ika-40 Araw ng Cordillera, tatak ng paglaban ng Kaigorotan sa mapaminsalang mga proyekto
May 07, 2024

Dumagundong ang mga gangsa, salidummay at sigaw ng Kaigorotan sa pagdiriwang ng ika-40 Araw ng Cordillera sa temang “Buong tapang na isulong ang laban para sa lupa, buhay at dangal.” Umabot sa 1,500 katao mula sa iba’t ibang prubinsya sa rehiyon at mga organisasyon at tagapagtanggol ng karapatan ng mga pambansang minorya mula sa iba’t […]

Hindi mapipigilan ang tagumpay ng armadong kilusan ng mga mamamayan sa Myanmar
May 07, 2024

Sunud-sunod na tagumpay ang nakamit ng mga armadong grupo ng pambansang minorya at mamamayang lumalaban sa iba’t ibang rehiyon sa Myanmar laban sa pasistang huntang Tatmadaw. Mula sa hiwa-hiwalay na mga pagsisikap, papataas ang pagkakaisa at koordinasyon ng mga armadong grupong kontra-hunta. Umarangkada ang sabay-sabay at sa ilang bahagi ay koordinado nilang mga opensiba mula […]

Pagpupugay sa pag-aambag ng NDFP sa armadong pakikibaka!
May 04, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Malugod na binabati ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang National Democratic Front of the Philippines sa 51 taon nitong patuloy at ubos-kayang pagsusulong ng pambansa demokratikong rebolusyon. Saludo ang MGC sa NDFP dahil sa susing papel na ginagampanan nito upang pagkaisahin ang malawak na rebolusyonayong hanay para sa rebolusyong Pilipino. Patuloy na tinanganan ng […]