Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
CARP@38: Pekeng reporma sa lupa at maka-panginoong maylupa hanggang sa rehimeng Marcos II
Tatlumpu’t walong taon na mula nang isabatas ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), ngunit nagdurusa pa rin ang mga magsasaka sa Pilipinas sa kawalan ng lupa at labis na kahirapan. Nananatiling 7 sa 10 magsasaka sa Timog Katagalugan ang walang sariling lupa. Mahigit 60% ng mga magsasaka sa Pilipinas ay mga maralita at pana-panahong nagiging […]
Hinggil sa lindol sa Sarangani
Ipinararating ng Partido Komunista ng Pilipinas ang mahigpit na pakikiisa sa mamamayan ng Sarangani at mga katabing prubinsya ng Mindanao na dumanas ng matinding lindol kahapon nang umaga. Nakikiramay kami sa mga pamilya ng mga nasawi at nasaktan sa mga gumuhong istruktura. Nananawagan kami sa sambayanang Pilipino na magkapit-bisig para iparating ang kinakailangang tulong sa […]
Rebolusyong Agraryo, hindi CARP, ang magbibigay ng lupa sa mga magsasaka!
Mariing kinukondena ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)-Laguna, ang ika-38 na anibersaryo ng walang kwentang programang reporma sa lupa ng reaksyonaryong gubyerno na Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP. Para sa mga magbubukid, ang CARP o Republic Act No.6657 ay inutil. Nabigo nitong tuparin ang pangako na redistribusyon ng mga pribado at pampublikong lupang […]
Intel asset ng PNP-Calatrava pinatawan ng parusang kamatayan ng RJPC-NPA
Matagumpay na pinatawan ng parusang kamatayan ng Roselyn Jean Pelle Command-NPA, Northern Negros Guerrilla Front ang intel asset ng Philippine National Police-Calatrava at ng 79th IB si Momarlito Alingasa, 7:50 ng gabi noong Hunyo 5 sa Sitio Pison, Barangay Minautok, Calatrava. Sa panahon ng pagnyutralisa sa kanya ay lumaban pa ito sa mga Pulang mandirigma kaya […]
Kabulukan ng Senado, itinatanghal sa publiko
Putukan, iyakan, tulakan at tunggalian—nagmistulan nang teleseryeng subaybayin ang mga kaganapan ngayon sa Senado ng reaksyunaryong gubyerno, lahat para protektahan ang mga interes ng mga nakaluklok. Labis ang disgusto ng karaniwang mamamayan sa harap ng dramang ito. Nananatiling nakabinbin ang mga usaping dapat lutasin para makamit ang hustisya at itaguyod ang kapakanan ng mamamayang Pilipino. […]