Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
5 M16, nasamsam ng BHB-Quezon
Nasamsam ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Quezon (Apolonio Mendoza Command) ang limang ripleng M16, mga bala at iba pang kagamitang militar sa ambus na inilunsad nito laban sa yunit ng 85th IB at CAFGU sa Sityo Pag-asa, Barangay Mapulot, Tagkawayan, Quezon noong Setyembre 1. Limang sundalo ang napatay habang apat ang kumpirmadong nasugatan. Ang mga sundalo […]
(Video) Ang Bayan September 7, 2023 Headlines
Click here to download.
Apat na opensiba, inilunsad kontra-FMO sa Sultan Kudarat
Hindi bababa sa 22 sundalo ng 37th IB ang napatay sa serye ng mga opensiba na inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa kontra-kampanya nito laban sa nakapokus na operasyong militar (focused military operation o FMO) ng 6th ID sa Kalamansig, Sultan Kudarat. Mahigit dalawang buwan na ang laking-dibisyong operasyon na sinimulan noong Hunyo 15. […]
Mga protestang suporta sa rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas, inilunsad
Inilunsad noong Agosto 26 sa Europe, Canada at US ang mga pagkilos at aktibidad bilang suporta sa kilusan para sa pambansang pagpapalaya sa Pilipinas. Pinamunuan ang Global Day of Action ng Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS), internasyunal na grupo ng mga banyagang sumusuporta sa pambansa-demokratikong kilusan sa Pilipinas. Nagkaroon ng mga pagkilos […]
Pandaigdigang Araw ng mga Desaparesido, ginunita
Sama-samang ginunita noong Agosto 30 ng mga kaanak at kaibigan ng mga biktima ng sapilitang pagkawala ang Pandaigdigang Araw ng mga Desaparesido. Iginiit nila ang kagyat na paglilitaw at pagbibibigay ng hustisya sa kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan na dinukot at winala ng mga ahente ng estado. Sa Manila, nagpiket ang mga grupo […]