Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

(Video) Ang Bayan August 21, 2023 Headlines
August 21, 2023

  Click here to download.

Pilit na pagmamalinis sa gitna ng kahirapan at kawalang-hustisya
August 21, 2023

Kabalintunaan ang deklarasyon ni Ursula von der Leyen, presidente ng European Union (EU), na “higit nang maayos” ang kalagayan ng karapatang-tao sa Pilipinas sa ilalim ni Ferdinand Marcos Jr sa pagbisita niya sa bansa noong Hulyo. Tuwang-tuwang sinalubong ni Marcos ang pahayag na ito na sumuhay sa walang-tigil na pagpapabango at pagpostura ng kanyang rehimen. […]

Buhay gerilya: Pagkakaisa at determinasyon sa pagkilala sa sarili at isa't isa
August 21, 2023

Araw-araw, kinahaharap ng mga Pulang mandirigma ang buhay at kamatayang pakikibaka. Para mapangibabawan ang mga hamon dito, mahalaga na makilala ng bawat kasapi ng hukbong bayan ang kanilang mga sarili at kapwa mandirigma. Sa loob ng hukbong bayan, pinapanday ang mataas na pagkakaisa at determinasyon. Regular na idinadaos ang mga pagtatasa sa kanilang mga gawain, […]

9 na armas, nasamsam ng BHB sa Negros
August 21, 2023

Nakumpiska ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isla ng Negros ang apat na riple at limang pistola sa dalawang taktikal na opensiba sa nagdaang dalawang linggo. Naiulat din ang ambus ng BHB-Masbate laban sa mga CAFGU at ahenteng militar. Inambus ng BHB-Northern Negros ang kontra-insurhensyang yunit ng Philippine National Police (PNP) na […]

Kampo ng 2nd IB sa Masbate, pinalayas ng mga residente
August 21, 2023

Pinalayas ng mga residente ng Sityo Baclay, Barangay Bacolod, Milagros sa Masbate ang himpilan ng mga sundalo ng 2nd IB na nakatayo sa naturang sityo matapos magreklamo ang mga residente laban dito. Ipinaabot nila ang kanilang disgusto sa pamamagitan ng pagtitipon para ipetisyon ang pagpapalayas sa kampo militar. Anila, wala itong idinulot sa kanila kundi […]