9 na armas, nasamsam ng BHB sa Negros

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Nakumpiska ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isla ng Negros ang apat na riple at limang pistola sa dalawang taktikal na opensiba sa nagdaang dalawang linggo. Naiulat din ang ambus ng BHB-Masbate laban sa mga CAFGU at ahenteng militar.

Inambus ng BHB-Northern Negros ang kontra-insurhensyang yunit ng Philippine National Police (PNP) na nagpapatrolya sa Sityo Calanugan, Barangay Minapasuk, Calatrava, Negros Occidental noong Agosto 9. Nasamsam sa kanila ang apat na ripleng armas, isang .45 kalibreng pistola at mga bala.

Napatay sa pananambang ang isang pulis at nasugatan ang tatlo pa sa ambus. Samantala, tiniyak ng hukbong bayan ang kaligtasan ng mga sibilyang lulan ng isang canter truck at sasakyang pang-reskyu na kasunod ng sasakyang pampatrulya ng pulis.

Sa Negros Oriental, nakumpiska ng BHB-Central Negros ang apat na pistola mula sa ahente ng militar na si Pen-pen Fajardo sa Sityo Mora, Barangay Pinukawan, Vallehermoso noong Agosto 13. Si Fajardo ay kilalang nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa mga sundalo. Marami rin siyang kaso ng pang-aabuso at panggigipit sa mga residente, kabilang ang walang patumanggang pamamaril sa komunidad.

Sa Masbate, nasugatan ang mga elemento ng CAFGU at kasama nilang mga vigilante na ahente ng militar sa ambus ng BHB sa Barangay Bonifacio, Uson, Masbate noong Agosto 9. Sakay sila ng isang pick-up truck nang pasabugan ng mga Pulang mandirigma.

9 na armas, nasamsam ng BHB sa Negros