Kampo ng 2nd IB sa Masbate, pinalayas ng mga residente

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Pinalayas ng mga residente ng Sityo Baclay, Barangay Bacolod, Milagros sa Masbate ang himpilan ng mga sundalo ng 2nd IB na nakatayo sa naturang sityo matapos magreklamo ang mga residente laban dito.

Ipinaabot nila ang kanilang disgusto sa pamamagitan ng pagtitipon para ipetisyon ang pagpapalayas sa kampo militar. Anila, wala itong idinulot sa kanila kundi perwisyo sa hanapbuhay at takot sa presensya ng mga sundalo, laluna sa hanay ng kabataan.

Pwersahang itinayo ng batalyon ang kampo sa Barangay Panicijan sa Uson matapos tumanggi ang ibang barangay na i-host ang naturang kampo.

Kampo ng 2nd IB sa Masbate, pinalayas ng mga residente