Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Mga manggagawa sa Mindanao, nagtitiis sa kakarampot na sahod
Walang aksyon ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) sa petisyon ng mga manggagawa para sa dagdag sahod bukod sa National Capital Region. Nakabimbin pa rin ang mga panukala sa 10 RTWPB. Noon pang Hunyo 2022 huling nag-utos ng mga umento ang mga RTWPB. Sa mga ito, ₱16 (BARMM) ang pinakamababang idinagdag habang ₱110 […]
Kampanya upang palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal, muling pinalakas
Inilunsad noong Hunyo 27 sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City ang “Breaking chains, Reclaiming freedom from Marcos Sr to Marcos Jr,” isang aktibidad para ipanawagan ang agarang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal. Pinangunahan ito ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) at nilahukan ng 13 organisasyon at ilang dating […]
94th IB sa Negros, berdugong batalyon
Nagsagawa ng imbestigasyon noong Hunyo 24 ang National Solidarity Mission (NSM) na binubuo ng mga kinatawan ng simbahan, magsasaka, manggagawang bukid, kababaihan, pambansang minorya, at kabataan hinggil sa masaker sa pamilyang Fausto sa Himamaylan, Negros Occidental. Sa press conference na ginanap noong Hunyo 26, iniulat ng NSM ang resulta ng imbestigasyon hindi lamang sa kaso […]
Dagdag-sahod, pagtatanggol sa karapatan at soberanya, sigaw ng LGBT+
Dagdag-sahod, pagtatanggol sa karapatan at kagalingan ng mga minorya sa kasarian, pagtatanggol sa pambansang soberanya at karapatang-tao ang ilan sa tampok na panawagan sa inilunsad na Pride March noong Hunyo 24. Nanguna sa aktibidad ang Bahaghari, ang pambansa-demokratikong organisasyong nagtataguyod sa mga karapatan ng LGBT+ sa bansa. Pinangunahan ng grupo ang pagkilos sa Southern Tagalog […]
Pang-aatakeng militar sa 5 prubinsya
Nagpapatuloy ang malalalang paglabag sa karapatang-tao at internasyunal na makataong batas sa nakaraang dalawang linggo. Sa Masbate, binaril at napatay ng mga sundalo si Randy Dionan Mahinay sa Sityo Abanggan, Barangay San Carlos, Milagros noong Hunyo 21 habang nagtatrabaho sa konstruksyon ng kalsada sa lugar. Idinadawit siya ng militar sa inilunsad na ambus ng Bagong […]