Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Exercise Kasangga, isang larawan ng huwad na kalayaan ng Pilipinas
June 12, 2023 | New People's Army | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson |

Sa pagpapatuloy ng ehersisyong militar ng Armed Forces of the Phlippines at Australian Defense Force sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal, tinutupad ng rehimeng US-Marcos II ang mandato nito bilang papet ng imperyalismong US sa bansang Pilipinas. Ang walang-gulugod na pagsunod sa mga utos ng imperyalistang amo nito ay nagpapatunay lamang lalo sa pagiging huwad ng […]

Mamamayang Mindoreño, puspusang ipaglaban ang tunay na pambansang Kalayaan sa salot na imperyalismong US! Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa tagumpay!
June 12, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Nananatiling hamon sa sambayanang Pilipino ang patuloy na paggunita sa Hunyo 12 bilang Araw ng huwad na Kalayaan ng Pilipinas. 125 taon na ang nakakaraan mula nang sinaklot ang bansa ng imperyalistang US, kakutsaba ang mga lokal na naghaharing-uring malalaking panginoong maylupa (PML) at bagong litaw na mga burukrata ng bagong tatag na republikang Pilipino. […]

Itakwil ang huwad na independensya! Isulong ang makatarungang digma sa pagkamit ng tunay na kalayaan at demokrasya ng bayan
June 12, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Ginugunita ng sambayanang Pilipino ang ika-125 taon ng hilaw na paglaya ng Pilipinas sa kolonyalistang Espanyol habang lalo pang ipinagkakait ng imperyalistang US at mga kasabwat na lokal na naghaharing-uri ang tunay na kalayaan. Tulad ng pagtataksil ng ilustradong pamunuang Aguinaldo sa rebolusyong Pilipino, sukdulang nagpapakatuta ang rehimeng US – Marcos Jr.-Duterte sa paghila sa […]

Pagbayarin ang AFP at mga rebel returnee na lumalabag sa karapatang-tao ng masang Masbatenyo
June 12, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Magkakasunod na paglabag sa karapatang-tao ang ginawa ng Armed Forces of the Philippines at kanilang mga ahenteng rebel returnee laban sa masang Masbatenyo sa unang linggo ng buwan ng Hunyo ngayong taon. Kabilang sa pinakabagong krimen ng militar kasama ng kanilang mga tutang rebel returnees ang pambubugbog at sapilitang pagpapaamin kay Nono Sayson na ito […]

Palayain si Mary Joyce Lizada at Arnulfo Aumentado! Panagutin ang 203rd Brigade sa pandarahas nito sa mga sibilyan at tagapagtaguyod ng karapatang pantao!
June 11, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Kinukondena ng NDFP – Mindoro ang patuloy na panggigipit kina Mary Joyce Lizada at Arnulfo “Ompong” Aumentado, mga volunteers ng grupong Bigkis at Lakas ng Katutubo sa Timog Katagalugan (BALATIK), at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo sa isla ng Mindoro. Iligal silang dinakip at inaresto noong Abril 26, higit isang buwan na ang nakakaraan, […]