Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Huwag waldasin ang pera ng bayan sa pensyon ng mga papet at pasistang sundalo’t pulis
June 11, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Panahon nang tigilan ang pagsusustento ng reaksyunaryong estado sa pensyon ng mga nagretirong tauhan ng AFP-PNP gamit ang pera ng bayan. Hindi makatarungan na ang pondong tinipon mula sa pawis at dugo ng mamamayan ay gagamitin na mistulang pabuya para sa mga pasistang nag-“serbisyo” sa imperyalismo at lokal na naghaharing uri. Lalo itong hindi katanggap-tanggap […]

Hinggil sa awit na “Ang Bagong Hukbong Bayan” na ginamit ni Bb. Karla Estrada
June 10, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Southern Tagalog (Balangay Racquel Aumentado) | Nika Antares | Spokesperson |

Nag-trend sa social media ang post ni Bb. Karla Estrada sa Instagram noong Hunyo 7 kung saan nagkamali siyang gamitin ang awiting “Ang Bagong Hukbong Bayan” na anthem ng New People’s Army (NPA) bilang background music ng kanyang video reel. Sa kanyang video reel, ipinakita ang mga larawan ng kanyang pagpasok sa Philippine Army bilang […]

Exercise Kasangga ng Pilipinas at Australia, bahagi ng imperyalistang pakana ng US Imperyalistang agresyon, labanan!
June 10, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Nananawagan ang Melito Glor Command (MGC)-NPA Southern Tagalog sa mga tunay na makabayan at patriyotikong Pilipino na buong tapang na manindigan at ipaglaban ang kasarinlan at soberanya ng Pilipinas. Hindi dapat pahintulutan ang mga aktibidad militar ng imperyalismong US at mga kaalyado nito saanmang bahagi ng bansa. Tahasang paglabag ito sa pambansang soberanya at integridad […]

Sa ika-35 taon ng batas sa huwad na reporma sa lupa na CARP, paigtingin ang anti-pyudal na pakikibaka at isulong ang rebolusyong agraryo sa Palawan!
June 10, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Tulad ng mga huwad na reporma sa lupa ng lahat ng rehimen, walang makabuluhang reporma sa lupa ang nakamit ng mga magsasaka sa 26 taong pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) mula noong 1988 sa ilalim ng rehimeng US-Corazon Aquino hanggang magtapos ito noong 2014. Hindi kailanman tinugunan ng mga batas sa huwad na […]

91st IB, muling na-isnayp ng NPA
June 10, 2023 | New People's Army | Central Luzon Regional Operational Command (Josepino Corpuz Command) |

Pitong tropa ng 91st IB ang patay sa matagumpay na operasyong isnayp ng Domingo Erlano Command BHB-Aurora sa kabundukan ng Barangay Diteki, San Luis, Aurora noong ika-9 ng Hunyo, 2023 bandang alas-9:15 ng umaga. Noong ika-3 ng Hunyo ay 2 ang patay sa tropa ng 91st IB sa isnayping ng NPA sa kailugan ng Diamuloc, […]