Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Sa nakaambang pag-upo ng Marcos-Duterte sa Macalanang: Tuloy ang Laban ng mga Bikolano!
June 06, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Para sa mga Bikolano, hindi natatapos sa eleksyon ang laban upang hadlangan ang panunumbalik ng mga Marcos at Duterte sa Malacanang. Ito ay hudyat lamang nang higit na pinaigting na pakikibaka upang patuloy na biguin ang muling pagnanakaw, paghahasik ng mga paglabag sa karapatan ng mamamayan at pamamayagpag ng madilim na legasiya ng diktadura ng […]

Kampanyang militar pinatitindi laban sa pagtotroso at mina sa Daguma
June 06, 2022 | Far South Mindanao Regional Operational Command (Valentin Palamine Command) | Gary Angeles | Spokesperson |

Limang sundalo ang nasawi at pito ang nasugatan sa isinagawang pananambang ng BHB-Sultan Kudarat laban sa mga pwersa ng 37th IB-PA noong Mayo 31, 2022. Naganap ang aksyon sa isang bahagi ng National Highway malapit sa Sityo Babangkaw, Brgy. Paril sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat habang nakakonboy ang mga pasista patungo sa kanilang operasyon […]

Panagutin ang rehimeng US-Duterte sa lumulubhang krisis sa ekonomya at kabuhayan! Labanan ang rehimeng Marcos, Jr. sa tiyak pang pagpapasahol nito!
June 04, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Bicol |

Walang ibang dapat managot sa lumulubhang krisis sa ekonomya kundi ang rehimeng US-Duterte. Ang walang humpay na pagtindi ng kahirapan, kagutuman at pagbagsak ng kabuhayan ay resulta ng anim-na-taong pagkukumpleto ng rehimen sa adyendang neoliberal. Manipestasyon ng sumasahol na kalagayang sosyo-ekonomiko ang nagbabadyang krisis sa pagkain na idinulot ng ganap na liberalisasyon sa agrikultura kasabay […]

Marapat na paghandaan ng papasok na rehimen ang galit ng mamamayang Bikolano
June 04, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Nagngingitnit sa galit ang mga Bikolano sa nagpapatuloy na pang-aatake ng mga berdugong elemento ng AFP-PNP sa mga sibilyan at kasapi ng mga progresibong organisasyon sa rehiyon. Dalawang taon mula nang maisabatas ang Anti-Terror Act (ATA), lubusang ginagamit ito ng pasistang estado laban sa mga lider-masa at mga kasapi ng mga progresibong organisasyon sa pagtatangkang […]

"Kaunlaran" sa ngalan ng terorismo
June 03, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Nagpapatawa si Bgen. Norwyn Tolentino kung inaakala niyang magagawa nitong durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan ng Quezon. Ang sinasabi niyang “gawaing pangkaunlaran” ay peke, gawa-gawa at pakitang-tao lamang sa mamamayan ng lalawigan upang pagtakpan ang di na mabilang na kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao ng 201st Brigade, 85th IBPA at 59th IBPA […]