Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Parangal sa isang tunay na pulang kumander
June 01, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Pinakamataas na parangal at pagpupugay ang iginagawad ng lahat ng yunit sa ilalim ng Romulo Jallores Command-BHB Bikol sa magiting na rebolusyonaryong si Antonio “Ka Jovan” Abadeza. Ang kanyang pagkamartir sa kamay ng mga ahente ng estado ay sagisag ng kanyang pinakamataas na anyo ng pagbubuwis ng buhay para itaguyod ang interes ng mamamayan. Sa […]

Parangal Kay Ka Jovan
June 01, 2022 | Communist Party of the Philippines | CPP Bicol Regional Committee |

Ipinaaabot ng Komiteng Tagapagpaganap ng Rehiyong Bikol (KTKR-BK) sa kapamilya’t kaibigan ni Antonio “Ka Jovan” Abadeza ang pakikiisa sa pagdadalamhati at pinakamataas na pagpupugay ng buong rebolusyonaryong kilusan ng Bikol sa kanyang buhay at pakikibaka. Patunay ang pagpaslang sa kanya ng reaksyunaryong estado, ang marahas na pagpapatikom ng kanyang bibig, ng kawastuhan ng kanyang ipinaglalaban. […]

Ka Jovan, bayani ng sambayanan
June 01, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDF-Bikol ang pagpaslang ng mga puwersa ng estado kay Antonio “Ka Jovan” Abadeza, 57 taong gulang, noong hapon ng Mayo 28 sa Brgy. Anislag, Daraga Albay. Si Abadeza ay pinagbabaril ng apat na armadong kalalakihang lulan ng isang kotseng sadyang binangga ang kanyang sinasakyang motorsiklo. Gasgas na linya ng nanlaban-patay ang pinatampok […]

Pulang Silangan | April-May 2022
May 31, 2022

Rebolusyonaryong pahayagan ng mamamayan ng Silangang Gitnang Luzon

Mga tropa ng 54th IB, nag-misengkwentro sa Ifugao
May 30, 2022 | New People's Army | Ilocos-Cordillera Regional Operational Command (Chadli Molintas Command) | NPA-Ifugao (Nona del Rosario Command) |

Nag-misengkwentro ang mga pasistang tropa ng 54th IB sa isang production area sa Brgy. Namal, Asipulo, Ifugao. Ayon sa mga residente ng lugar, nakarinig sila ng magkakasunod na putok ng baril at malalakas na pagsabog, bandang alas-12 ng tanghali nitong ika-9 ng Mayo, mismong Araw ng Eleksyon, kaya’t kumalat ang balita na nagkaroon diumano ng […]