Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Palayain si Chantal Anicoche! Ilantad ang maduming taktika ng AFP laban kay Chantal! Itigil ang pambobomba sa Mindoro! Palayasin ang militar sa kanayunan!
Dahil sa maigting na panawagan ng mga grupo sa karapatang-tao at iba pang progresibong sektor, napwersa ang 203rd Brigade na ilantad nitong ika-8 ng Enero 2026 lamang batay sa eklusibong video na kanilang inilabas sa media si Chantal Anicoche, isang kabataang-mananaliksik na nawala matapos ang labanan sa pagitan ng 76th IB at NPA noong ika-1 […]
Pahayag ng Kondensyon ng Katipunan ng Gurong Makabayan – Balangay Jessica Sales sa Ilegal at Arbitraryong Detensyon ng Militar kay Chantal Anicoche
Mariing kinokondena ng Katipunan ng Gurong Makabayan (KGM) – Balangay Jessica Sales ang patuloy na iligal at arbitraryong detensyon kay Chantal Anicoche sa Camp Mateo Capinpin, Tanay, Rizal, sa kamay ng 2nd Infantry Division Philippine Army sa ilalim ng pamumuno ni Maj. Gen. Ramon Zagala. Si Chantal ay isang Filipino-American na kabataang aktibista at mananaliksik […]
Makatuwiran at Makatarungang Galit: Mariing Pagkondena ng Katipunan ng Gurong Makabayan – Balangay Jessica Sales sa Pasistang Aerial Bombing at Strafing ng Philippine Army sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro
Mariin at buong galit na inihahayag ng Katipunan ng Gurong Makabayan (KGM)–Balangay Jessica Sales ang pagkondena sa pasistang pambobomba ng 76th at 68th Infantry Battalion at 5th Scout Ranger Battalion ng Philippine Army sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro noong unang araw 2026. Ayon sa mga saksi, hindi bababa sa 12 bomba ang ibinagsak ng […]
Magkapatid na magsasaka, walang awang pinagbabaril ng berdugong 46th IB!
Walang awang pinagbabaril at pinasabugan ng ilang M203 ng di bababa sa anim na elemento ng 46th IB ang dalawang magkapatid na magsasaka sa bawnderi ng Sityo San Pedro, Poblacion 3, San Jose de Buan noong Enero 3, ala-1 ng hapon. Batay sa pag-iimbestiga ng Arnulfo Ortiz Command (BHB-Western Samar) sa napabalitang putukan sa Sityo […]
(Song) Paglaban, paglaya
by Artista at Manunulat ng Sambayanan-Timog Katagalugan (Armas-TK)